Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.
Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.
Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.
Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.
Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.
Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo. (Daris Jose)
-
PBBM saludo, pinuri ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa paghina ng Abu Sayyaf
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan sa Mindanao para sa matagumpay na pagpapahina sa banta na bitbit ng Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang kaaway ng estado sa lalawigan. Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag maging kampante dahil hindi […]
-
PBBM, hinamon si Quiboloy na lumantad at harapin ang congressional inquiry
HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na lumantad at harapin ang imbestigasyon laban sa kanya ng Kongreso na may kinalaman sa criminal allegations laban sa kanya. “I would just advise him that, just, kung mayroon naman siyang sasabihin, if … he has […]
-
Food stamp program, balak ibalik ng DSWD
PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng maraming mahihirap na Pinoy. Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may […]