• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MTPB TRAFFIC ENFORCER NAKIPAGHABULAN SA MGA SNATCHER, 2 MENOR DE EDAD ARESTADO

NAARESTO ng isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawang menor de edad  na nang-agaw ng cellphone sa  isang senior citizen na naglalakad sa Tondo, Maynila.

 

 

Hawak ngayon ng Manila Social Welafre and Development  ang naarestong suspek  na ang isa ay nasa edad 15 at ang isa ay nasa 14 anyos na kapwa residente ng Baseco Compound, Port Area sa Maynila makaraang agawan ng cellphone ang biktimang si Romansita Lira, 63, ng Maypajo, Caloocan City.

 

 

Sa ulat, dakong ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa kanto ng Moriones  at Juan Luna Sts., sa Tondo.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamando ng traffic  si Joel T. Santos, MTPB traffic enforcer, sa nasabing lugar ng pinangyarihan nang maaktuhan nito na nagsisisigaw at humihingi ng tulong ang biktima na senior citizen dahil inagaw ang kanyang  cellphone.

 

 

Hinabol ni Santos ang dalawang lalaki na nang-agaw ng cellphone hanggang sa makarating sila sa Franco St., Tondo kung saan nakorner at nahuli ang mga suspek.

 

 

Dinala sa MPD-Station 7 ang mga naarestong suspek kung saan nadiskubre nila na kapwa mga menor de edad ang mga ito makaraang puntahan sila ng kanilang mga kaanak.

 

 

Narekober naman sa mga suspek ang cellphone at ibinalik ito sa biktima kung  saan nagpahayag ito na hindi na magsasampa ng reklamo nang malaman na menor de edad ang mga ito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon

    Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado.     Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang  kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon.     “We are thankful […]

  • “Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan

    WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City.       Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at […]

  • 13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM

    IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay. Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin sa listahan ang bagong apat na miyembro ng Bases […]