• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’

SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na payagan ang pamahalaan na itutok ang kanilang pansin sa mga komunidad, mga barangay at kanayunan na naiiwan na sa nagpapatuloy na Covid-19 vaccination program.

 

 

“Karamihan dito nasa lugar na malalayo so ito rin ang magiging strategy natin kung paano mapaaabot ang bakuna rito,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya pa, noong Pebrero 2 ay nagkaroon siya ng pagpupulong kasama ang local government units (LGUs) kung saan ang napag-usapan na ang mga naiiwang LGUs ay binigyan ng target na bilang ng mga taong kailangan nilang mapabakunahan.

 

 

Ang pamahalaan aniya ang magbibigay ng “appropriate focus” sa mga lugar na may mababang vaccination rates kung saan magdaragdag ng mga volunteers at mas marami pang bakuna ang ide-deliver.

 

 

Tiniyak din ng Kalihim ang suporta ng gobyerno lalo na mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagde-deliver ng mga bakuna.

 

 

Aniya pa, hindi titigil ang pamahalaan na isulong ang “massive information campaign” dahil sa kahalagahan na makapagbigay ng proteksyon laban sa virus sa pamamagitan ng Covid-19 jab na may layuning itaas ang public trust sa bakuna.

 

 

Samantala, target naman ng pamahalaan na mabakunahan ang 2 milyong indibiduwal para sa first dose at 4 na milyon naman para sa booster shots sa buong bansa sa isasagawang pangatlong ‘Bayanihan, Bakunahan’ edition sa Pebrero 10 at 11.

 

 

Sa ilalim aniya ng programa, may 1 milyong primary doses at booster shots ang inilaan para sa Kalakhang Maynila na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 15.

 

 

“Sana nga ay suportahan ng ating mga kababayan ang  ‘National Vaccination Day Part 3’ sa February 10 and 11,” anito.

 

 

Hinikayat naman ng Kalihim ang mga employers na payagan ang kanilang mga empleyado na makapaglaan ng oras na makapagpabakuna.

 

 

“In fact, dapat nga ay binibigyan pa sila ng incentives and their time off to get vaccinated, hindi ikakaltas sa kanilang leave,” dagdag na pahayag ni Año. (Daris Jose)

Other News
  • Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’.     “We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government […]

  • Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics

    Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal.     Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports.     Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26.     Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay […]

  • Masayang-masaya na isa na siyang Kapuso: STELL, aminadong nagulat na napiling judge sa ‘The Voice Generations’

    MASAYANG-MASAYA si Stell ng SB19 na isa na siyang Kapuso!     Isa si Stell sa mga judges ng ‘The Voice Generations’ hosted by Dingdong Dantes; ang iba pang judge ay sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose.     “Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung […]