• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling magsasama after 20 years: CHRISTOPHER, ididirek si VILMA sa ilang eksena sa pelikula

TWO weeks na palang tuluy-tuloy ang shoot ng movie na “When I Met You in Tokyo,” na muling magpapabalik sa love team nina Vilma Santos at Christopher de Leon.  Kasama rin nila sa shoot si Tirso Cruz III, sa Japan.  

 

 

Happy ang production dahil wala silang problema sa pagtatrabaho nila, dahil si Japanese actor-director-producer na si Jacky Woo, ang tumulong sa pag-aasikaso ng lahat ng mga kailangn nila sa shooting, kaya smooth sailing ang shoot nila roon.

 

 

Wala rin silang problema sa set dahil malamig at ini-enjoy nila ang snow at ang beauty ng Cherry Blossoms or Sakura na in season ngayon sa Tokyo.

 

 

Malapit daw lamang sa Narita Airport ang hotel na tinutuluyan nila.  Kaya nagkaroon din ng chance si Senator Jinggoy Estrada na madalaw sila sa set, dahil nasa Tokyo sila ng family niya during the Holy Week.

 

 

Ang “When I Met You in Tokyo” ay produced by JG Productions Incorporated, na muli nang pagtatambalan nina Ate Vi at Boyet, after almost 20 years since the last movie na pinagtambalan nila noon.  Napag-alaman din namin na besides acting. Boyet will also be directing his leading lady in some of the scenes ng movie.

 

 

Meanwhile, kasama naman ni Tirso sa Japan ang wife niyang si Lynn Cruz.

 

 

***

 

NAGSIMULA na muling mapanood ang #MaineGoals Season 3 sa TV5 at 8:30 am, Mondays to Fridays, na nagtatampok sa barkada nina Maine Mendoza at co-hosts na sina Chamyto at Chichi.

 

 

Ang first episode nila ay tungkol sa pagti-training nila as flight stewardees, at dito nalaman na kahit pala nag-graduate na that time si Maine ng Culinary Arts sa De La Salle College of St. Benilde, seven years ago, dream pala niya noon na maging flight stewardess.

 

 

Pero hindi ng natupad ang dream ni Maine that time, dahil inagaw siya ng showbiz at doon siya nakilala.  Kaya matutupad na lamang ang wish na iyon ni Maine kung makakaganap siya ng role na isa siyang flight stewardess.

 

 

At hindi lamang pagti-training ang ginawa nila, ganoon din kung paano sila kikilos kapag may emergency sa loob ng airplane at kung paano rin nila isi-save ang buhay nila sa mga ganoong pagkakataon.

 

 

Hindi lamang iyon ang mapapanood sa #MaineGoals, dahil sa mga susunod na episodes, magiging professional racers din sila, warfighting training as army reservist, at iba pa.  Ang #Maine Goals ay mapapanood din, with an extended version at 8PM sa BukoChannel, via PayTV on Cignal at SatLike Ch.2, Mondays to Fridays din.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Rest In Peace: Ligaya F. Callejo

    Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na […]

  • Metro Manila Subway Project 40% complete

    MAY NAITALANG  40 porsiento overall implementation progress rate ang kauna-unahang underground mass transport na Metro Manila Subway Project ngayon January 2024.       Ito ang pinahayag ng Department of Transportation (DOTr) ng magkaron ng onsite na inspeksyon sa Metro Manila Subway Project (MMSP) kasama si Finance secretary Ralph Recto at Japan International Cooperation Agency […]

  • Suspek sa pag-ambush sa Lanao del Sur governor ‘nanlaban,’ patay — PNP

    PATAY ang isang suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. na siyang ikinamatay ng apat na katao, ito matapos daw niyang “makipagbarilan” sa composite police team.     Ayon sa mga ulat galing kina Police Brig. Gen. John Guyguyon, Regional Director ng Police Regional Office, Bangsamoro Autonomous Region, naglunsad […]