• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling napansin ang husay sa pagganap sa ‘Pieta’: ALFRED, waging Best Actor sa ‘WuWei Taipei International Film Festival’

ISA na namang tagumpay ang nakamit ng ‘Pieta’ na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, Gina Alajar at Alfred Vargas, na mula sa direksyon ni Adolfo Alix Jr..

 

 

 

Si Alfred kasi ang itanghal na Best Actor sa katatapos na WuWei Taipei International Film Festival.

 

 

 

Masayang ibinahagi ng actor-politician sa kanyang Facebook post na kakaiba at isang malaking karangalan ang mapansin ang husay at galing niya bilang aktor sa international filmfest.

 

Ayon sa post ni Coun. Vargas, “Ad Majorem Dei Gloriam! ❤️🙏🏽

 

“Extraordinarily grateful and honored to receive the TAIPEI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL BEST ACTOR AWARD!

 

“Thank you, everyone who believed in me. Thank you, Team PIETA Direk Adolf @aalixjr , Ate Guy, Direk Gina Alajar and all the cast and crew!!! And most of all, thank you, Lord!!! ❤️🙏🏽

 

“Special thanks to my loving and supportive wife, Yasmine @yasmine_vargas2307 and my four children, Alexandra, Aryana, Cristiano and Aurora ❤️ Thank you, NDM Studios @njeldemesa and the whole team.

 

“Thank you to all the organizers and staff for the wonderful program that was for the books! Truly and unforgettable night.”

 

Ikalawang Best Actor ito ni Alfred para sa pelikulang ‘Pieta’. Nauna na siyang nagwagi sa 72nd FAMAS Awards.

 

Bukod kay Alfred nagwagi rin sa WuWei Taipei International Film Festival si Kiray Celis bilang Breakthrough Performance Award sa natatangi niyang performance sa ‘Malditas in Maldives’, na tinanghal ding Best Picture.

 

Wagi rin si Gerald Santos ng Best Actor in a Movie Musical para sa ‘Al Coda’. Nasungkit naman ang Best Actress trophy ni Angeli Khang para sa mahusay niyang pagganap sa ‘Silip Sa Apoy’.

 

Congrats, mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

 

***

 

SA Facebook page ng Puregold, in-annnounce ang mga finalist sa Puregold Cine Panalo Film Festival 2025.

 

Mababasa sa caption na…

 

“Basta Puregold, laging may pasobra! From 7 full length films, we added 1 more!

 

“Here are the Top 8 finalists in the full length film category of #PuregoldCinePanaloFilmFestival2025!

 

“Congratulations to all of the filmmakers! Talagang buhay na buhay ang pelikulang Pinoy!

 

Lights, camera, panalo sa March 2025! #AlwaysPanalo.”

 

Narito ang mga pelikulang nakapasok:

 

‘Perlas sa Silangan’ ni TM Malones

 

‘Tagsibol’ ni Tara Illenberger

 

‘Sepak Takraw’ ni Mes de Guzman

 

‘Journeyman’ nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat

 

‘Olsen’s Day’ ni JP Tabac

 

‘Co-Love’ ni Jill Singson Urdaneta

 

‘Fleeting’ ni Catsi Catalan

 

‘Food Delivery’ ni Baby Ruth Villarama (Producer’s Choice)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bonus na lang sa stars ang acting awards: ALLEN, mas gustong kumita ang movie para makabawi ang producers

    BILANG isang multi-awarded actor, parehong mahalaga kay Allen Dizon ang box office at acting award.   “In terms of producer, siyempre dapat box office, in terms of ako bilang artista, siyempre award.   “Pero sana both, di ba? May mga kita na yung producer and may award pa ang mga artista.   “Sana… para sa […]

  • Muling nakasama ang pamilya at mga kaibigan: BB, todo pasasalamat kay MARIEL sa pagho-host ng welcome party

    MASAYA si Nadine Samonte sa kanyang big acting comeback sa upcoming Kapuso afternoon series na “Forever Young.”     Kasama ni Nadine sa proyekto ang “Firefly” award-winning child star na si Euwenn Mikaell.     Gaganap na mag-ina sa serye sina Nadine at Euwenn, na magbibigay ng matinding emosyon sa mga manonood.   “Sobrang natuwa […]

  • Bulacan, gugunitain ang Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paggunita sa “Ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino” sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito sa Linggo, Enero 23, 2022, alas-8:00 ng umaga.     Bilang panauhing pandangal, pangungunahan ni Fernando ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak […]