• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling pagbubukas ng ekonomiya, mahalaga – Malakanyang

TINUKOY ng Malakanyang ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa matapos na makapagtala ang Pilipinas ng “worst” gross domestic product (GDP) contraction sa mahigit na 7 dekada.

 

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang economic reopening ay makatutulong na matugunan ang kagutuman.

 

“Nakikita natin na hindi pa po sapat ang pagbubukas para tayo’y bumalik sa normal para mapigil ang kagutuman sa Pilipinas. Pag hindi binuksan ang ekonomiya, marami talaga ang magugutom at maraming mamamatay kung hindi dahil sa COVID, dahil nga po sa kagutuman,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, lumiit ang GDP ng bansa ng 9.5% noong taong 2020  dahil sa pandemiya na dala ng COVID-19.

 

Ito aniya ang pinakamalalang paghina base sa available na government data simula 1947.

 

Gayunpaman, sinabi ni Sec. Roque, na ang fourth quarter ng 2020 (-8.3%) ay mas mabuti kumpara sa nagdaang quarters ng double-digit declines.

 

“Nagagalak po tayo na kahit papaano dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ay unti-unti pong nag-iimprove ang ating ekonomiya,” anito.

 

Samantala, sinabi naman ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, na ang prospects para sa 2021 “encouraging.”

 

“With the continuous calibrated reopening of businesses and mass transportation and the relaxation of age group restrictions, we will see more economic activity in the months ahead,” anito.

 

“This will lead to a strong recovery before the end of the year when the government will have rolled out enough vaccines against COVID-19 for a majority of our people,” dagdag na pahayag ni Chua.

 

Inaasahan naman ng pamahalaan na lalago ang GDP mula sa 6.5% at magiging 7.5% ngayong 2021, at 8% hanggang 10% sa taong 2022.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 2023-2028 PDP, hindi pa kumpleto

    HINDI pa kumpleto ang dokumento ng  2023-2028 Philippine Development Plan (PDP) kaya’t naunsiyami ang pag-apruba sana ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Biyernes. Habang inilarawan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang  blueprint bilang  “ready for implementation,” sinasabing ang  “final version” ay ide-deliver  “by the end of this year.” Dahil dito, itinakda sa […]

  • Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon

    HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon.   Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous.   “Laging sinasabi ni […]

  • No cash aid para sa graduating students — DepEd

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi ito nagbibigay ng “cash aid” lalo na sa mga graduating students.     “It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ayon kay DepEd Assistant […]