Muling pagbubukas ng ekonomiya, mahalaga – Malakanyang
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
TINUKOY ng Malakanyang ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa matapos na makapagtala ang Pilipinas ng “worst” gross domestic product (GDP) contraction sa mahigit na 7 dekada.
Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang economic reopening ay makatutulong na matugunan ang kagutuman.
“Nakikita natin na hindi pa po sapat ang pagbubukas para tayo’y bumalik sa normal para mapigil ang kagutuman sa Pilipinas. Pag hindi binuksan ang ekonomiya, marami talaga ang magugutom at maraming mamamatay kung hindi dahil sa COVID, dahil nga po sa kagutuman,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, lumiit ang GDP ng bansa ng 9.5% noong taong 2020 dahil sa pandemiya na dala ng COVID-19.
Ito aniya ang pinakamalalang paghina base sa available na government data simula 1947.
Gayunpaman, sinabi ni Sec. Roque, na ang fourth quarter ng 2020 (-8.3%) ay mas mabuti kumpara sa nagdaang quarters ng double-digit declines.
“Nagagalak po tayo na kahit papaano dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ay unti-unti pong nag-iimprove ang ating ekonomiya,” anito.
Samantala, sinabi naman ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, na ang prospects para sa 2021 “encouraging.”
“With the continuous calibrated reopening of businesses and mass transportation and the relaxation of age group restrictions, we will see more economic activity in the months ahead,” anito.
“This will lead to a strong recovery before the end of the year when the government will have rolled out enough vaccines against COVID-19 for a majority of our people,” dagdag na pahayag ni Chua.
Inaasahan naman ng pamahalaan na lalago ang GDP mula sa 6.5% at magiging 7.5% ngayong 2021, at 8% hanggang 10% sa taong 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Donaire aminadong nayanig kay Inoue
INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakamalakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career. Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]
-
Public schools na may free Wi-Fi ‘kumonti sa 1.8%’; senador dismayado
WALA pang 2% ng mga pampublikong paaralan ang merong libreng access sa internet Wi-Fi sa Pilipinas ayon sa isang senador — ito kahit limang taon na matapos maisabatas ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places Act. Ito ang pinuna ni Sen. Sherwin Gatchalian, sa isang pahayag na inilabas ngayong […]
-
Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA). Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili […]