Multi-billion peso fund transfer ng DICT at MMDA pinaiimbestigahan sa Kamara
- Published on November 25, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa halagang P1.1-billion.
Ang nasabing proyekto ay para sa NCR Fiber-Optic Backbone Development.
Diin ni Daza na ang nasabing pondo ay originally allocated para sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots sa halagang P12 billion.
Bahagi rin ng alokasyon ang nasa P3 billion hanggang P4 billion na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Memorandums of Agreement (MOAs).
Punto ng mambabatas tanging ang Congress ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer.
Dagdag pa ni Rep. Daza na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc.
Ibinunyag din nito na walang postings sa website ng MMDA’s hinggil sa umanoy awarding of bidding.
Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.
Maging ang validity ng joint ventures kinuwestiyon din ng mambabatas.
Tanong din ni Daza kung binigyan din ba ng MMDA ng sapat na panahon ang mga qualified bidders.
” Let’s just hope that our assumption of good faith holds true, otherwise, MMDA may just stand for ‘Money Making from DICT Allocations’,” pahayag ni Rep. Daza.
-
Ads May 15, 2024
-
DHSUD, target na magtayo ng 6M housing units sa termino ni PBBM
TARGET ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng anim na milyong housing units sa susunod na anim na taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program. Ito ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support System Avelino Tolentino ay may production average rate na isang milyong housing […]
-
LTFRB: Pagbibigay ng prangkisa sa premium taxi, suspendido
SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon at pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis sa buong bansa dahil sa alegasyon na may illegal sa kanilang operasyon. Noong Dec. 13 ay naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-080 na nagsusupinde sa pagbibigay ng prangkisa sa mga premium […]