• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mura, mabilis na annulment mas bet ni Chiz kesa divorce

SA HALIP na diborsiyo, nais ni ­Senate President Francis “Chiz” Escudero na isulong ang mura at accessible na annulment.

 

 

 

“Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible ‘yung annulment na nasa family code natin ngayon,” ani Escudero.

 

 

Ginawa ni Escudero ang pahayag kasunod ng pag-apruba ng Kamara kamakailan sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

 

 

 

Ayon kay Escudero, ang pagpapabuti sa proseso ng annulment ay maaaring gawin sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pagpayag sa mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na tanggapin ang mga naturang kaso.

 

 

 

Dagdag pa niya, idineklara ng Supreme Court (SC) na hindi na kailangan ng psychologist para patunayan ang psychological incapacity.

 

 

Panghuli, ay para sa Kongreso na malinaw na tukuyin kung ano ang maaaring ituring bilang psychological incapacity.

 

 

 

Sinabi ni Escudero na depende pa rin ito dahil hindi pa niya nababasa ang bersyon ng Kamara ng divorce bill at ang divorce ay may “wide spectrum of definitions”.

 

 

 

Nang tanungin tungkol sa tyansa ng panukalang batas sa Senado, sinabi ni Escudero na itinuturing niyang personal na boto ng konsensya ang diborsyo.

Other News
  • Dive Into Uncharted Waters! Feast on the Trailer for “Meg 2: The Trench”

    They’re back for seconds.      “Meg 2: The Trench,” starring Jason Statham and Wu Jing, opens in Philippine cinemas August 2.     Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=HwokLHOYd5c     Dive into uncharted waters with Jason Statham and global action icon Wu Jing as they lead a daring research team on an exploratory dive into […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagpapalawig ng 2 pang linggo ng travel ban laban sa UK

    INAPRUBAHAN noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na palawigin ng dalawa pang linggo ang travel ban laban sa United Kingdom (UK) pagkatapos ng Disyembre 31, 2020. Inaprubahan din ng Pangulo ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) para sa “strict mandatory 14-day quarantine” para sa […]

  • Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET

    GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race.   “’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that […]