Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid
- Published on October 20, 2022
- by @peoplesbalita
HAHARAP na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna.
Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel Adao Dimaculangan na binayaran diumano ng P550,000 para itumba si Lapid. Pare-parehong “at large” pa sina Orlando at ang magkapatid na Dimaculangan.
Makikitang hawak-hawak ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy, ang reklamo para sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (Murder).
Una nang sinabi ni Estorial na natakot siya at nakonsensya sa kasalanan niya, habang galing daw sa loob ng Bilibid ang utos na ipapatay si Lapid.
Tiniyak naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na totoong gunman si Estorial at hindi basta iprinesenta lang bilang “fall guy” lalo na’t nag-match ang slug, ballistics atbp. sa imbestigasyon ng mga pulis. Sa kabila nito, marami pa ring duda.
“This is great police work. Binacktrack po ‘yan, tinyaga po ‘yan ng ating kapulisiyahan,” ani Abalos.
Una nang inilagay sa P6.5 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikakukulong ng mga suspects ng krimen.
Kilala ang biktima bilang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sinasbaing ikalawang media man na pinatay sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Jr.
Umani ng malaking pagkundena ang karumaldumal na pagpatay kay Lapid sa Las Piñas ngayong buwan, dahilan para magmobilisa ang National Union of Journalists of the Philippines at magsalita ang sari-saring political figures.
(Daris Jose)
-
Ads January 19, 2023
-
Laban ng Azkals at Vietnam nagtapos sa draw
PINAHIYA ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi. Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw. Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa […]
-
2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na
Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online. Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform. Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang […]