Murder suspect sa Navotas, arestado
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.
Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.
Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.
Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.
Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)
-
PBBM, madamot na magbigay ng komento sa isyu ng speakership sa Kongreso
HANGGANG sa ngayon ay madamot pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng komento sa isyu ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng umugong na balita na plot o planong patalsikin si Speaker Martin Romualdez sa posisyon nito. “I won’t make any comments about the speakership, as of […]
-
MAG-DYOWA, 2 PA ARESTADO SA BUY-BUST
TINATAYANG 10 gra,o ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680K halaga ang nasabat Manila Police District (MPD)-Station 5 sa apat na katao sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na si Aldwin dela Cruz, 43; at kasintahan nito na si Monica Orlanda y LLego,26; na […]
-
KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas
BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA). “This was made possible by the irrigators’ […]