• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU

TUMULAK pa sa  Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City.

 

Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan Abel Candelario, alias Ivan Candelaria, binata at residente ng Brgy Lataban, Liloan Cebu City sa kasong Murder.

 

Sa ulat, dakong alas-10:45 Martes ng gabi nang naaresto ang suspek ng pinagsanib ng puwersa ng MPD-Station 12 at Liloan Municipal Police Station sa Purok Sunshine, Brgy Lataban, Liloan, Cebu City.

 

Nauna dito, isang informant ang nagsabi na ang suspek ay namataan sa nasabing lugar dahilan upang tumulak ang MPD sa lugar at nakipag-koordinasyon sa Liloan police na siyang nakakasakot sa lugar upang isilbi ang alias warrant of arrest laban sa suspek.

 

Unang dinala ang suspek sa Liloan Municipal Police Station bago ibinalik sa court of origin.

 

Walang  inirekomendang piyansa laban sa suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Join Dwayne Johnson and Chris Evans on an epic, action-packed holiday journey in “Red One”

    Dwayne Johnson is excited about the upcoming holiday season, and he’s bringing his holiday cheer to the big screen!     In the new Christmas action-comedy Red One, now showing in Philippine cinemas, Johnson stars alongside Chris Evans in an all-out adventure to save Christmas after Santa (played by J.K. Simmons) is kidnapped.     […]

  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]

  • ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector, isinusulong

    IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang inhaing Senate Bill No. 2002 ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagsusulong sa ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector.     Kasabay nito, naghain din si TUCP President at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list) ng House […]