MVP hinirang na Sports Tourism Personality of the Year
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Dahil sa kanyang mahalagang kontribusyon sa larangan ng isports ay kinilala si businessman/sports patron Manuel V. Pangilinan o mas kilala sa tawag na “MVP” bilang Sports Tourism Personality of the Year sa 4th Philippine Sports Tourism Awards na ginanap kamakailan sa Clark Freeport.
Bilang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay tinatag ni Pangilinan ang MVP Sports Foundation na tumutulong sa paghubog ng mga world-class athletes.
Pinuri ni Pangilinan ang misyon ng Philippine Sports Tourism Awards para patuloy na maitaas ang sports bilang isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng turismo sa bansa.
“The unquantifiable benefits alone make strong case for investing in sports. But today, we are recognizing a more direct and tangible benefit — how sports could encourage tourism, and how it might eventually serve as a catalyst for economies, both local and national,” ani Pangilinan sa kanyang acceptance speech.
“This award is not a culmination of the work we’ve rendered, but a mandate to push the envelope. Sports remains a high-potential investment for our country, and I consider it an honor to be able to continue supporting its development. We can improve our sporting landscape for the benefit of our athletes and, ultimately, for that of the greater Philippine nation,” dagdag nito.
Sa pamumuno ni Pangilinan ay malaki ang naitulong ng PLDT at Smart bilang mga official telecom partners sa nakaraang 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.
Bagama’t ilang sports activities lamang ang naisagawa ngayong taon dahil sa pandemya na nakaapekto sa sports tourism ay marami nang nakatakdang international sporting events sa bansa sa mga susunod na taon.
Isa rito ay ang FIBA World Cup sa 2023 na ipinursige ni Pangilinan na mapamahalaan ng bansa kasama ang Japan at Indonesia bilang mga co-hosts.
-
Obiena silver sa Italy
Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist Ej Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition. Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si […]
-
Nagtampo kay Anjo dahil pinangakuan ng kasal: SHERYL, inamin ang mga nakarelasyon kasama si AGA
MARAMING pasabog ang Kapuso aktres sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday. Dere-deretsong ikinuwento ni Sheryl Cruz ang mga aktor na naging karelasyon niya. Naka-relasyon niya sina Aga Muhlach, Mandy Ochoa, Zoren Legaspi at Anjo Yllana. “Actually I call him Ariel (real name ni Aga) during the time that we were […]
-
Na-consider na mag-judge sa ‘Miss Universe 2023’: BOY, na-disqualified dahil in-interview si MICHELLE sa show
SA afternoon program ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7, last Tuesday, ipinahayag niya na na-consider siya para makabilang sa panel of judges sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador. Pero na-disqualified siya dahil sa latest interview niya kay Michelle Marquez Dee sa kanyang talk show. […]