Mylene Paat ng Chery Tiggo, bagong Team Captain
- Published on January 31, 2023
- by @peoplesbalita
Mga laro sa Pebrero 4:
(Smart Araneta Coliseum)
4:00pm — Akari vs Choco
6:00pm — Creamline vs Petro Gazz
SI Mylene Paat na ang panibagong mukha ng Chery Tiggo kasunod ng pagkakahirang rito bilang MVP sa nagdaang Reinforced Conference.
Kaya naman muli siyang sasandalan ng koponan sa darating na pagbubukas ng 2023 season ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference simula Pebrero 4 sa Smart Araneta Coliseum.
Buong-pusong tinaggap ng 28-anyos mula Bani, Pangasinan ang responsibilidad na pamunuan ang koponan, na nilisan na ni Dindin Santiago-Manabat para sa Akari Chargers.
“Lahat kasi ng ginagawa ko at that time, sinasaulo at iniisip ko. Tine-treasure ko ‘yung mga nakapaligid sa akin,” wika ng dating Adamson University Lady Falcons spiker.
Sasandalan din ng Chery Tiggo sina EJ Laure, Czarina Carandang, Jasmine Nabor, Shaya Adorador at Buding Duremdes.
“Tapos ‘yung ginagawa ko, na kahit mapagod ako, kahit na may mga injury ako, iniisip ko na lang na okay lang ‘to. At least napapagod ako, hindi ako nabo-bore sa buhay,” dagdag ng two-time bronze medalist sa ASEAN Grand Prix.
Nais nitong matulungan ang koponan na mapantayan ang nakuhang kampeonato noong 2021 Open Conference.
Makakatulong din ng Crossovers sina Alina Bicar, Rachelle Roldan, Roselle Baliton, France Ronquillo, Pia Sarmiento, Jaycel Delos Reyes at May Luna. (CARD)
-
“Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17
“Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began. Over many missions and against impossible […]
-
Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries. Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa. Ayon sa Obispo, dapat suportahan […]
-
Trillanes, nagsampa ng plunder complaint laban kay Ex-PRRD at Sen. Bong Go
TULUYAN nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon. Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon. “All the elements of plunder are clearly present in this […]