• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na baligtarin ang acquittal sa mga kasong bribery at indirect bribery… Estrada, inasahan na ang pagbasura ng Sandiganbayan sa apela nito

INASAHAN na raw ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang naging pasya ng Sandiganbayan na ibasura ang motion for reconsideration na baligtarin ang pagpapawalang-sala sa kanya sa mga kasong bribery at indirect bribery.

 

 

Bagama’t aniya inasahan na niya ito sa Sandiganbayan, umaasa pa rin si Estrada na papanig sa kanya ang Korte dahil sa naunang desisyon ay sinabi nila na walang merito o batayan ang kasong direct at indirect bribery.

 

Pinanghahawakan daw ng senador na walang basehan ang paratang sa kaniya at hindi niya ginamit ang pera ng bayan para sa pansariling kapakinabangan o para pagtakpan ang maling gawain.

 

Dagdag pa nito, ang bindikasyon aniya ay magbubunsod para makapagpokus siya nang husto sa trabahong ibinigay sa kanya ng higit 15 milyong bumoto para siya makaupo muli sa senado.

 

Ibinasura rin ng anti-graft court ang preemptory challenge at motion to expunge ni Estrada dahil sa kawalan ng merito.

 

 

Una rito, pinawalang-sala nitong Enero ng kasalukuyang taon si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng tinaguriang pork barrel scam.

 

Hinatulan siyang convicted sa direct at indirect bribery noon pero pinawalang sala rito nitong Agosto. (Daris Jose)

Other News
  • Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas

    HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.     Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH INCENTIVES SA PUBLIC SCHOOL GRADUATES

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives ngayong taon para sa mga public school graduates.     Nasa 3,495 Grade 6 at 1,270 Grade 12 completers ang nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants, respectively habang ang graduates ng Navotas Polytechnic College ay nakatanggap din ng P1,500.     “The city government’s […]

  • Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios.     Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling.     Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17.     Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]