Na-enjoy nang husto ang shooting nila sa Seoul… BARBIE at DAVID, halos pareho ang ‘di malilimutang eksena sa movie
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
NATANONG ang lead stars ng ’That Kind of Love’ na sina Barbie Forteza at David Licauco kung anu-ano ang hindi nila makakalimutang eksena na kinunan sa Seoul, South Korea?
“Ang hindi ko makakalimutan na ginawa namin sa Korea, actually I like to add, kasama namin si Divine,” pagtukoy ni Barbie sa co-star nilang komedyanang si Divine Aucina, “tatlo kami sa Korea, tatlo kami doon, sobrang saya!
“Kasi nalibot namin yung mga famous K-drama locations, actually yung wall na nilalakaran namin ni David dun sa ending nung trailer, ginamit siya sa isang famous K-drama na project.
“And ang pinaka hindi ko makakalimutan doon ay ‘yung eksena namin sa ano, yung tunnel, yung lamig na lamig ako.”
Dagdag kuwento pa ni Barbie, “kasi yung isa sa mga Korean producers namin dun sa Korea binilhan kami ng Tteokbokki, binilhan kami ng rice cake, yung spicy Korean rice cake.
“Sobrang sarap! Tapos isa lang kasi yung binili niya kaya lahat kami nagkukumpulan kami, nakabilog kaming ganyan, iyon yung midnight snack namin.
“Sobrang saya kasi parang na-realize ko na ganun, eto pa lang yung unang proyektong pinagsamahan naming lahat pero ganun na ka-tight yung bond namin.
“Kahit out-of-the country shoot parang, nagkaroon na agad ng family bonding within this production, within the film.
“So ang saya, ang saya ng buong Korean experience namin.”
Sagot naman ni David, “pinaka-memorable, I think, actually lahat ng scenes memorable dahil yung mga locations na kung saan kami nag-shoot ay tagalong mga sikat doon.
”Yung mga very artistic. Di ba?
“Pero para sa akin pinaka-memorable yung nandun tayo sa crossing dahil romantic siya. Buwis buhay tsaka maraming tao tapos malamig.
“Actually super-saya siya.”
Tinanong namin si David kung bakit buwis-buhay ang eksena nila sa isang crossing o kalye sa Seoul?
“Kasi parang sa scene kailangan naming tumawid, e may mga cars.
“So one time nga sabi ko kay Barbie, ‘Halika na,’ e biglang nag-green, sabi ko, ‘Uy sorry, sorry,’” at natawa ang binata.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “And na-enjoy ko rin yung nagpunta kami ng Itaewon, yes nag-Itaewon kami, dahil super-fan ako ng Itaewon Class na TV show, so ayun.”
Ang ‘Itaewon Class’ ay sikat na Korean drama series noong 2020 na pinagbidahan ng popular na Korean actor na si Park Seo-joon.
Nakaaaliw din ang kuwento ni Divine tungkol sa kanilang South Korean escapade.
“Eto na nga po, para kasing meron kaming calltime na afternoon so naabutan kami ng lunchtime. Tapos kami nila Barbie naghahanap kami, ‘Saan ba tayo kakain?’
“Walking-walking kami, ‘Ayun bukas!’
“Enter kami, pasok, ‘Pa-order nga po ng ganito, tapos bigyan mo kami nito.’ Mind you po ha, 12 noon, lunchtime, first meal, ‘Eto parang ang gandang pakinggan! Bigyan mo kami.
“Intestine pala ng baboy! Sizzling, pulutan pala!
“Namulutan kami ng tanghalian. So iyon yung pinaka-memorable.
“Tapos nagulat kaming lahat kasi kumukulo yung mantika, talagang gumaganon, tapos nagulat kami nagulat kami, ‘Magla-lunch po kami sana, may biko po ba dito?’
“Walang biko, binigyan kami ng intestine.
“Tapos nilibre kami ni Barbie, ‘Thank you, Barbie!
“Kaya memorable kasi hindi ako nagbayad, e,” masayang kuwento ni Divine.
Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din ng “That Kind of Love” sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Kaila Estrada at Ivan Carapiet, sa direksyon ni Catherine Camarillo.
Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
THE THIRD EYE BY: CHRISTIAN TUPAZ
‘VOX POPULI, VOX DEI’ (The Voice of the People is the Voice of God). A beacon to 42 countries that will have their Government Elections this year 2022. 5 out of 42 countries around the world are in a verge for transition to high Governance. – SOUTH KOREA. Presidential elections (March 9, 2022)– FRANCE. Presidential […]
-
Gobyerno, naglaan ng P62-B para sa mas maraming ‘choppers, offshore vessels
NAGLAAN ang pamahalaan ng P62 bilyong piso para sa pagbili ng 32 more Polish-made S-70i “Black Hawk” combat utility helicopters para sa Air Force at anim na offshore patrol vessels (OPVs) para sa Philippine Navy. “Newly approved funding for capital assets acquisition: 32 units ‘Black Hawk’ helicopters- PHP32 billion and six units of OPV […]
-
Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games
PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam. Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit […]