Na-inspire sa KPop, super-react ang mga bashers: SHARON, may official light stick na para sa kanyang Sharonians
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip na niya ang short video ng official light stick para sa mga minamahal niyang Sharonians at sa new gen fans na Sharmy.
Caption niya, “Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, but at least nauna na tayo at meron nang ready!) #sharonians #sharmy #sharoniansarethebestintheworld #hanggangdulo #sharoniansforever.”
Tuwang-tuwa naman ang mga followers at new gen fans ni Mega na excited nang makabili at nagsabing pag-iipunan na nila ito…
“Yaaaaaayyyyy excited to buy… Sunod na rin po Ang Sharon cuneta merchants hehehe.”
“Woww gusto ko yantatak sharonian.”
“When po makaorder na !! apaka ganda po lalu na yung may hawak !! @reallysharoncuneta.”
“Sharmy merch ANG GANDAAAA NG LIGHTSTICK”
“Hoping na makakahawak na kame niyan na pinapanuod ka nextconcert mo!”
“MAGKANO YAN MEGASTAR SANA HINDI YAN MAHAL PARA AFFORD NAMIN. ”
“Sgee po mama start na kame mag ipon!!!!”
“OMG!!! Can’t wait to have my own.”
“Sharonians dream come true! Sharon merch and Sharon gift packs.”
“hahahaha omg!! May photocards ba?
“Ano pa ba ibang merch?
Serious question for my Sharonian mom.”
“Surprisingly andami pala talagang Sharonians.
Infairness to Sharon ah, super dami talagang Sharonians
Samantala, ‘di naman nakatiis mag-comment ang mga bashers ni Sharon tungkol sa paglalabas nito ng lightstick:
“Ambisyosa! Sino bibili nyan? HAHA”
“Ginaya yung concept ng KPop. iilawan nila gamit nyan pag may concerts or events na kakanta sya.”
“Feeling BTS ang lola Nega. may pabenta ng light stick.”
“Jusme! Kaloka ka Sharon. Ipaubaya mo na yan sa mga bata.”
“Imagine lola and nanay mo kumakanta ng Mr. DJ while waving their lightsticks. Haha!”
“Pinagkakitaan pa yung fans di pa nakuntento sa ticket na ibabayad kaloka.”
“May pa-light stick talaga si Ate Shawie naloka ako!
“Naloka ako. Sorry pero HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA.”
“Seryoso may pa light stick siya? Taray.”
“Please lang tita shawie, matatanda na mga fans mo pati ikaw, wag ng makigaya sa kpop. I can’t imagine mga auntie at mga lola na nagwawagayway ng lightstick… Cringe!”
“Better be hand fan with light para may pakinabang din lalo na summer mainit, pwede mo keri pag mag commute ka.”
Say pa ng ibang netizens:
“Inspired na inspired ng Kpop si Sharon. Dapat may kasama ring tali at photocards ha. Hahahaha!!”
“Feeling nya kasing popular pa rin siya ng BTS.”
“Naniniwala ba ko na kpop fan talaga itong si Sharon. Feeling ko jadi nakiki-bandwagon lang sya, dati parang si Anne.”
“LEGIT kpop fan yang si Sharon present yan sa concert ng fave kpop nya no! Ang fave kpop nga nya di ganun kasikat e kung nakiki bandwagon sya edi sana sa sikat na sikat like BTS isip isip rin.”
Well, kahit ano pa sabihin ng bashers ni Sharon, papatok pa rin ang light stick sa solid Sharonians at new gen fans, pero sana ‘wag naman sobrang mahal para ma-afford nang lahat at kayang pag-ipunan.
(ROHN ROMULO)
-
PBBM, magpapartisipa sa ASEAN Summit sa Lao PDR
SA SUSUNOD na linggo ay nakatakdang magpartisipa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao PDR sa susunod na linggo. Ngayong taon, ang naturang summit ay may temang ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience. Sa website nito, sinabi ng ASEAN na ang rehiyon […]
-
Ads November 4, 2024
-
P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB
Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs). Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 […]