NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.
Sa nilagdaang Executive Order no. 07 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nagsasaad ng “An order declaring certain barangays, or portion thereof, of the city as critical zone (CrZ) per zoning containment strategy in order to provide rapid response operation to contain the resurgence and spread of COVID-19”, isasailalim sa lockdown ang Brgy. 185, zone 16 sa Tondo na may 11 aktibong kaso; Brgy. 374, zone 38 sa Sta. Cruz na may 10 aktibong kaso; Brgy. 521, zone 52 sa Sampaloc na may 12 aktibong kaso; Brgy. 628, zone 63 sa Sta. Mesa na may 10 aktibong kaso; Brgy. 675, zone 73 sa Paco na may 22 aktibong kaso; at Brgy. 847, zone 92 sa Pandacan na may 10 aktibong kaso.
Batay sa EO, ipatutupad ang lockdown sa mga nasabing barangay simula alas-12:01 ng hatinggabi sa Miyerkules (Marso 17) hanggang alas-11:59 ng gabi sa Sabado (Marso 20).
“For purposes of disease surveillance, massive contact tracing and verification or testing and rapid risk assessment as the City’s response measures to the imminent danger posed by the resurgence of Covid-19 and its variants,” saad sa EO.
Una nang sinabi ng alkalde na posibleng ilockdown ang buong Maynila kung kinakailagan upang makontrol ang posibleng pagtaas ng kaso ng sakit sa lungsod.
Tiniyak naman ni Domagoso na sapat ang suplay ng pagkain para sa mga residente habang sila ay nakalockdown dahil hindi sila papayagang makalabas ng kanilang bahay.
Nauna nang nilockdown ang dalawang barangay at dalawang hotel nitong nakaraang linggo makaraang makapagtala ang mga ito ng madaming aktibong kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Mga LGU hinikayat na hakutin ang mga mamamayan para mabakunahan
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19. Sa kanyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran. Umapela rin […]
-
P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette
Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas. Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo. Kabilang na aniya rito ang probinsya […]
-
MATTEO, pinuna ng basher sa pagbubuhat ng barbell at tinawag na ‘copycat clown’
PINOST ni Matteo Guidicelli ang video ng pagbubuhat niya ng barbell na may bigat na 130 kg na kitang-kita kinaya niya per sa bandang huli’y nahirapan na talaga talaga siya. Caption niya, “PR UNLOCKED TODAY!! #StayHard “Training with Coach Arnold has always been “hard working” sessions. That’s why we do the […]