Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW
- Published on March 10, 2023
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng panahon para magsanay ang kanilang tauhan sa nasabing trabaho.
Nararapat din aniya na pag-aralang mabuti ang mga sensitibong kaso na hawak ng DFA kung saan bubuo sila ng Technical Working group upang talakayin ang problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers.
Magugunitang unang sinabi ng DFA na mayroong 83 Filipino ang kasalukuyang nasa death row sa iba’t ibang mga bansa dahil sa magkakaibang paglabag.
Pagtitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng makakakaya para maiapela ang kaso ng mga OFW na nasa ibang bansa. (Ara Romero)
-
Dahil sa P10 milyong halaga ng libro na pinondohan ng OVP… VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing
NAGKASAGUTAN sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon. Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni […]
-
Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan
Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City. Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams […]
-
Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle
Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula. Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis. […]