• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog

TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.

 

 

 

Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni AiAi delas Alas sa Instagram.

 

 

 

Mahaba ang naging reply ni Carla na part of her reply, “Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.”

 

 

 

Sey pa niya, “Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang doon lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.

 

 

 

“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong binigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-asikaso, pag-protekta, lahat-lahat na. Binigay ko po buong buhay ko sa kanya.”

 

 

 

Napakarami pang sinabi ni Carla na tila ibinuhos na lahat ng nararamdaman o galit dahil na-trigger ng isang netizen sa comment. At durog na durog halos si Tom.

 

 

 

Tahimik lang si Tom at hindi nagpo-post sa kanyang social media account. Pero ang legal counsel daw ng actor ay nagsabing “no comment” muna si Tom.

 

 

 

Sa isang banda, sa kabila ng mga ipinahayag ni Carla, nakapagtataka na hindi niya lubusang makuha ang simpatiya ng netizens. Binabasa namin ang mga comments, pero ang daming nega for Carla. May mga nagpapakita ng simpatiya kay Tom, pero meron din naman na nagpapalakas pa ng loob ni Carla.

 

 

 

Pero marami kaming nababasa na kung pitong taon itong nagtiis kay Tom, bakit daw, nagpakasal pa? Eh, ‘yung kasal pa naman nila, tumagal lang ng three months.

 

 

 

***

 

 

 

PARANG mas lalong nag-iba ang mindset at priorities ni Matteo Guidicelli simula nang ikasal sila ni Sarah Geronimo and in turn, si Sarah din naman ay tila nahahawa.

 

 

 

‘Di ba nga’t kakatapos lang ni Sarah ng baking course. Si Matteo naman, balita naman talaga na nakikipag-usap ito at nagpi-pitch ng project s sa GMA Network.

 

 

 

At bukod dito, heto at sinisimulan na ang bago nilang business, kasabay ng birthday ng nanay ni Matteo ay nag-ground breaking na sila ng bagong project.

 

 

 

Sey niya, “June 15 2022—our mamas birthday @glfguidicellu and the ground breaking of our new project, G STUDIOS! The building will rise soon and will welcome all content creators, advertisers, celebrities and just anyone and everyone who wants to use the space! See you at G Studios located in Landers Alabang.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados

    IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados.     Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy.   […]

  • Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority

    Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin.   (CARDS)

  • ‘Abe-Nida’, passion project ni Direk LOUIE; hinintay na maging available si ALLEN at dream din makatrabaho si KATRINA

    BALIK sa pagpoprodyus ang BG Productions International matapos manahimik dahil sa pandemya.     Ang comeback movie ng kompamyang pag-aari ni Madame Baby Go ay ang Louie Ignacio art film titled Abe-Nida, na bida sina Allen Dizon at Katrina Halili.     Ayon kay Direk Louie, passion project niya itong Abe-Nida at talagang hinintay niya […]