Naalala ang daddy nang makita ang gazebo: IZA, naging emosyonal nang nakabalik sa GMA after 12 years
- Published on November 17, 2023
- by @peoplesbalita
ANG ganda-ganda ni Iza Calzado nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Tuesday, November 14.
Pagpasok pa lamang ng studio, hindi na napigilan ni iza ang maiyak na after 12 years ay nakabalik siya sa Kapuso Network, lalo pa at naalaala niya ang yumao niyang ama, ang actor-director na si Lito Calzado, na nagtrabaho roon.
“Hello mga Kapuso! It’s nice to be back. Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito,” pagbati ni iza.
“Can I just say, I’m like kinikilabutan at the moment. Lalo nang makita ko ang gazebo, sa may canteen, dahil doon madalas si Daddy, naninigarilyo.
“Actually, Tito Boy, akala ko I would be sentimental, of course sa pagbabalik ko. Pero ang unang-unang naisip ko noon, kasi nagpa-picture ako roon sa may statue. Tumingin ako sa gazebo, na-miss ko yung tatay ko.
“Kaya kung nakatrabaho ninyo siya, doon siya nakatambay, kaya I visualized him greeting me with the warmest smile,” na maluha-luha sa naalaala.
“Kaya nanatili akong nagmamahal at nagpapasalamat sa mga taong nakatrabaho niya, hindi ko sila nakakalimutan.”
Anyway, kasamang nag-guest ni Iza si Angel Guardian na siyang gaganap na Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin na siya ring ginampanan ni Iza noon sa “Encantadia.”
As Amihan, ipinagkatiwala raw niya kay Angel ang pangalan ng kanyang anak dahil naniniwala siyang kayang-kaya nitong gampanan ang role.
Nakita na raw niyang magtrabaho si Angel sa “Shake, Rattle & Roll Extremes” ng Regal Films na magkasama sila sa mga eksena.
Ayon naman kay Angel, pinag-pray niyang makasama siya sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” pero hindi raw niya hiningi.
But now, na siya ang gaganap sa role, nag-promise siya kay Iza na hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay a kanya nang pumayag itong gampanan niya ang role na gamit ang pangalan ng anak nitong si Deia Amihan.
Tanong pa rin kung magkakasama ba sina Iza at Angel sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” iyon daw ang aabangan.
***
SINOLO ni Jeric Gonzales ang girlfriend na si Rabiya Mateo sa Hong Kong kung saan sila nag-celebrate ng 27th birthday ng actress.
Ipinasilip ng Kapuso actor ang celebration nila sa Hong Kong sa mga lovely photos nila kung saan sila nag-enjoy na kumakain ng masasarap na Hong Kong food.
Birthday greetings ni Jeric: “HBD! @rabiyamateo enjoy 27 and stay beautiful ILYSM!”
Hindi naman kaila sa showbiz ang kuwento ng pagmamahalan nina Jeric at Rabiya, na nagkahiwalay pero nagkabalikan.
Kaya ngayon ay matatag na ang kanilang relasyon lalo pa at may tiwala na sila sa isa’t isa.
**
UMABOT na pala sa PHP72 Million ang box-office gross ng “Five Breakups and A Romance” nina Alden Richards at Julia Montes.
Kaya post ng GMA Pictures, “Maraming salamat sa walang katapusang suporta! At hindi pa dito nagtatapos! Nasa 5th week na tayo sa mga sinehan sa Pilipinas at magkakaroon din tayo ng international screenings!
“Abangan ang susunod na mga announcements.”
At nag-announce na nga ang Myriad Corporation ni Alden Richards ng: “It’s your time, Melbourne! (Australia): Catch “Five Breakups and a Romance” on November 25 and November 26 (both at 4PM) at Palace Dendy Brighton Cinema 4.
“For inquiries, you may contact PinkFish Productions. Kaabang-abang ang pagdalo nina Alden at Julia ng two-day block-screenings nila.
(NORA V. CALDERON)
-
Magha-house tour pagkatapos ng teleserye nila ni Alden: BEA, dream na magka-bahay sa Europe kaya pumunta ng Madrid
NATAPOS na ang Election 2022 sa bansa, pero ang mga netizens at viewers ng top-rating GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady ay hindi pa tapos at sumisigaw pa sila ng suporta kay First Lady Melody na kandidatong Presidente ng bansa. Bakit hindi si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang muling kumandidato? Nagkaroon […]
-
Umaasa ang Kamara na maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na mag-aamyenda sa restrictive economic provisions sa 1987 Constitution
AYON kay House Deputy Majority Leader Janette Garin, posibleng maipasa ang Resolution of Both Houses No. 7 bago ang magbakasyon para sa Mahal na Araw sa Marso 22 maliban lang kung may magsusulong na ibalik ito sa debate. Inaasahan na tatalakayin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang […]
-
Ads September 18, 2021