• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naapektuhan sa pandemiya, exempted sa pagbibigay ng 13th month

MAARING exempted sa pagbabayad ng 13th month ang mga kumpanya at business establishment na kabilang sa lubhang naapektuhan ng pandemya o mga tinuturing na “distressed company”.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing, na ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa ng mga kumpanya at establisyimento ay excepted ngunit kailangan tukuyin muna ang batayan upang mauri ang isang kumpanya o isang negosyo bilang ‘distressed’.

 

Kailangan din aniyang patunayan ng kumpanya o bussiness establishment na ito ay distressed bago makakuha ng exemption.

 

Tutukoyin naman ng DOLE at iba pang concerned agencies ang mga kumpanya at business establishment na nauri bilang ‘distressed’ o malubhang naapektuhan bunsod ng pandemya.

 

“It will be the subject of tripartite consultation. We will define the meaning of distressed,” anang kalihim.

 

Sa halip aniyang ideklarang distressed , ang labor at management ay magdadayalogo upang talakayin ang pagsasaayos sa pagbabayad ng mga benepisyo kung saan maari munang i-delay.

 

Paliwanag ng kalihim, mahirap ang sitwasyon ngayon kaya baka pupuwedeng ang pagbabayad ng 13th month ay sa susunod a taon na lamang o sa susunod na buwan pero hindi sa ngayon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads June 15, 2021

  • Isang malaking proyekto ang nakatakdang gawin: DENNIS, gaganap na kauna-unahang serial killer sa Pilipinas

    BINALIKAN ni Pauline Mendoza ang mabigat na pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya nang matuklasan na mayroong breast cancer ang kanyang ina noong 2017.     Nagpapasalamat ang Kapuso actress na kasama pa rin nila ngayon ang kanyang ina.     “It was tough. Nalaman ko na na-diagnose ‘yung mom ko, nasa taping ako at […]

  • Ads June 4, 2021