• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nabigyan sana ng more time para alagaan ang ama: NIKKI, napakahusay at sobrang apektado sa mga eksena sa ‘Family Matters’

KUNG marami tinamaan sa nag-trending ng trailer ng pelikulang Family Matters na entry ng Cineko Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022, na humamig ng milyung-milyong views last month, hindi naman nabigo o nadismaya ang mga naunanang nakapanood noong araw ng Pasko.

 

 

Patuloy ngang pinipilihan at usap-usapan ang Family Matters na kung saan nagtagisan sa pag-arte sina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Agot Isidro, JC Santos, James Blanco, Ian Pangilinan at Nikki Valdez.

 

 

Napakahusay ng pagkakasulat ni Mel del Rosario at pagkakadirek ni Nuel Crisostomo Naval, kaya malakas ng laban nila sa Best Picture, Best Director at Best Screenplay, bukod pa lalaban din ang buong cast sa acting category.

 

 

Sigurado rin na labis na natutuwa ngayon si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque na sa first day ng MMFF 2022 ay na sa Top 4 sila agad, at bali-balitang tumaas na nga dahil sa patuloy na sinusuportahan ng manonood.

 

 

Sa special preview ng Family Matters sa Gateway Cinema, na kung saan kasama naming nanood si Nikki, masasabi naming hindi talaga siya nagpakabog kina Agot at Mylene.  Damang-dama talaga namin ang character niya bilang Ellen, at ang eksena nila ni Liza ang unang nagpatulo ng luha namin. Kaya bet na bet namin siyang magwagi ng Best Supporting Actress.

 

 

Kuwento naman ni Nikki, nag-cut na raw ang eksena nila ni Liza, pero umiiyak pa sila ng beteranang aktres, dahil masyado ngang maganda yun scene nila kaya dalang-dala sila.

 

 

Say pa ni Nikki, “ang background ng character ko talaga, before dumating si JC, kami talaga ang close.  Parang I was the favorite until dumating si ‘menopause baby’.

 

 

“I think may pagka-real lang and organic yun scene namin nina Tita Liza, siyempre nanay and daugther.”

 

 

At kung mga part sa movie talaga siyang naiyak ay ang mga eksena ng award-winning actor na si Nonie, na matindi rin ang laban sa Best Supporting Actor.

 

 

Aminado si Nikki na sobra siyang naapektuhan at iniyakan talaga niya.

 

 

“I wish I have more than time to take care of my dad.  I lost my dad in 2015.  Kaya everytime na lumalabas ‘yun eksena ni Tito Noni, naiiyak ako.”

 

 

Wish lang namin na mas marami pang pami-pamilyang makapanood ng Family Matters, ganun din ang mga kabataan ngayon, na tiyak maraming tatamaan at matututunan. Dahil sa pelikulang ito na worth talagang panoorin, mas lalo pa ninyong mamahalin ang inyong mga magulang.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bulacan, ipinagdiwang ang LGBT Pride

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bitbit ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in […]

  • ‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’ struck big at the box office, setting new records

    Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings smashed box office expectations and even set a new labor day box office record, revealing a new box office normal.     While the box office isn’t what it once was, and may never fully recover, the post-pandemic box office shows big blockbuster movies still have a future on […]

  • Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac

    HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech.   Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use.   At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang […]