• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER

MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista.

 

 

Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, Jessica and Krystal Jung at ang sikat na fashion editor ng Vogue na si Anna Wintour, kamakailan ay nakadaupang-palad ni Heart sa Paris, France si Hailey Bieber, ang modelo na misis ng Canadian pop Superstar na si Justin Bieber at anak ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

 

 

Nagtagpo ang dalawa sa YSL Spring/Summer 2024 sa Paris at nakuhanan ng litrato kung saan ang background nila ay ang pamosong Eiffel Tower na incidentally ay narating rin na ng inyong lingkod at ng entertainment editor ng People’s Balita na si Rohn Romulo.

 

 

***

 

 

SA katatapos lamang na pagpirma ng panibagong kontrata sa GMA at Sparkle, hindi kinaligtaan ni Sanya Lopez na pasalamatan ang taong unang-unang sumugal at nagtiwala sa kaya para maging artista, at ito ay walang iba kundi ang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

 

Nagsimula si Sanya noon bilang host ng Walang Tulugan (With The Master Showman).

 

“Umpisa pa lang, alam mo yun, Tay, lalo na nung mga nangangailangan kami.

 

“Wala e, wala kami, siya lang yung unang-unang tumutulong sa amin. Ilang beses pa lang ako sa kanya, siya ‘yung ang bilis niyang tumulong.

 

“Si Tatay yung suporta agad, kung ano ‘yung kailangan ng anak, ibibigay para sa ‘yo,” madamdaming pahayag ni Sanya.

 

“Tay, thank you. Thank you sa lahat ng binigay mo sa akin – tulong, pagkakataon. Dahil sa ‘yo kaya ako nandito ngayon, at wala nang makakabura noon sa akin.

 

“Hanggang sa dulo, matatandaan kong ikaw ‘yun, Tay.

 

“Kung nasaan ka man ngayon, Tay, maraming salamat. Sana patuloy mo kaming proteksyunan, protektahang magkakapatid sa ‘Walang Tulugan’ at sa lahat ng mga inaalagaan mo.

 

“Marami kang naging inspirasyon, at sana ako din, balang araw, maging maganda at malaking inspirasyon para sa lahat.

 

“I love you, Tay.”

 

Maging ang Kuya ni Sanya, ang hunk actor na si Jak Roberto ay natulungan rin ni Kuya Germs upang abutin nito ang pangarap na sumikat.

 

***

 

SI Arlene Cris Damot na kaya ang kauna-unahang Pilipina na makakapag-uwi ng korona bilang Mrs. Universe 2023?

 

Gaganapin ang coronation night ng 46th Mrs. Universe beauty pageant dito sa Pilipinas sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts Manila sa Pasay City, ni minsan ay never pang nagwagi ang Pilipinas sa nabanggit na beauty pageant.

 

Natanong si Arlene kung ano ang kanyang advocacy…

 

“My advocacy is violence against women.

 

“I have an aesthetic clinic, actually…first and foremost, mostly in Royal Aesthetics 99% is women talaga yung nagtatrabaho, so I made sure na it’s a safe place for women, so we don’t tolerate any kind of harassment or violence.”

 

Si Arlene ang owner at CEO ng Royal Aesthetics Clinic.

 

“Five years na po, we have a clinic in Multinational Village in Paranaque, then in Bacoor, Cavite, SM Imus, SM North, SM Las Pinas and SM Baliuag, Bulacan, 6 branches po.”

 

May Professional Certificate in Advanced Aesthetics si Arlene mula sa prestihiyosong EIU sa Paris, France at isang Medical Aesthetics Certified ng International Academy of Aesthetics Sciences.

 

Aktibong member si Arlene ng Association of Dermatology & Aesthetic Nurses of the Philippines, isang true professional si Arlene sa Advance Aesthetics na certified ng European International University sa Paris at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Doctor of Medicine degree.

 

Sino ang role model ni Arlene?

 

“My mother. Yung mother ko kasi is very hardworking, talagang the love and support na binigay niya sa akin, so she is my role model.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Kamukha niya at nagmana sa singing voice: SHARON, may touching birthday message kay MIEL na nag-introduce sa K-Pop world

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng series of photos last week, kasama ng kanyang birthday message para ang bunsong anak na babae na si Miel Pangilinan.   Caption niya, “Happy 18th Birthday to my youngest baby girl, my third princess, Mariel Daniella Sophia. Miel, you look like me, even sound like […]

  • Ads March 2, 2023

  • 20 PORSYENTONG DISKWENTO SA AMILYAR, IPATUTUPAD NG QUEZON CITY

    IPATUTUPAD ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 20% updated discounts para sa nga magbabayad ng kanilang amilyar o Real Property Tax simula sa isang taon para sa mga magbabayad ng RPT ng buo bago o sa December 31.     Ito ay inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte matapos lagdaan ang Ordinance Number SP-3179, […]