Nadal hindi pa tiyak kung makapaglaro sa US Open
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open.
Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open.
Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14.
Itinuturing na warm-up tournament ang Madrid Open bago ang French Open na inilipat sa Setyembre 20.
Ang nasabing paglahok ni Nadal sa Madrid Open ay kinumpirma ng kaibigan nito at tournament director Feliciano Lopez na sinabing nagkausap na sila para sa pagsali sa torneo .
Isa kasi na dahilan kaya nag-aalangan si Nadal na makapaglaro sa US Open ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
-
Ipagpapasa-Diyos na lang kung kailan mangyayari: SHERYL, never na tatanggi sa reunion project nila ni ROMNICK
ISA si Sheryl Cruz sa mga ambassadors ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery na pag-aari nina Noreen Divina at Juncynth Divina na sumaksi sa ribbon cutting ang blessing para sa grand opening na ginanap last Saturday, June 1 sa SM City, Fairview. Sila rin ang owner ng Nailandia na ine-endorse ni Marian Rivera na katabi lang ang puwesto sa […]
-
PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam. Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado. Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus […]
-
Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!
DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey. Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Ang naturang percentage ng […]