Nadia, namahagi rin sa taunang ‘Noche Buena sa Kalsada’: CATRIONA, namigay ng ayuda sa isang libong pamilya noong Pasko
- Published on December 31, 2022
- by @peoplesbalita
IBANG klase si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil isang libong pamilya ang binigyan niya ng grocery items nitong Pasko.
Ang mga biniyayaan ni Catriona ay mga beneficiaries ng Young Focus PH, isang non-government organization na naglalayon na mabigyan ng importansiya ang “mental, physical and social well-being” ng mga kabataan sa mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng edukasyon, health care at personal support.
Isa ang organisasyon sa mga tinutulungan ni Catriona sa tulong ng mga sponsors na may ginintuang puso.
At dahil sa kabutihan ng mga sponsors ay isang libong pamilya nga ang naayudahan nila ng mga pagkain at iba pang basic na pangangailangan sa araw-araw bilang bahagi ng Christmas Family Food Package Campaign ng Young Focus PH.
***
MABUTI at gumaling sa COVID-19 si Nadia Montenegro isang linggo bago ang bisperas ng Pasko kaya naituloy niya ang taunang tradisyon niya ng pamimigay ng pagkain sa mga workers sa kalye na hindi makauwi in time for Noche Buena.
Iniwang legacy kasi ni dating Caloocan City Mayor na si Boy Asistio sa misis niyang si Nadia ay ang pagtulong sa kapwa.
Kaya naman nitong katatapos lamang na Noche Buena bago ang mismong araw ng Pasko, alas-diyes pa lamang ng gabi ay nag-iikot na si Nadia kasama ang kanyang pamilya at namigay ng food packs na pang-Noche Buena ng mga taong nasa labas pa ng kanilang tahanan at nagtatrabaho.
Mga taxi driver, tricycle driver, gasoline boy, Grab driver, at iba pa ang binahaginan nina Nadia ng pagkain dahil alam nila na gustuhin man ng mga ito na umuwi sa kanilang pamilya ay napipilitan pa ring kumayod dahil sa hirap ng buhay lalo na ngayong may pandemya pa rin.
Binansagang ‘Noche Buena Sa Kalsada’, dalawampu’t walong taon na itong ginagawa ni Nadia mula noong nabubuhay pa ang mister niyang si Boy.
Sa kanyang Facebook post:
“NOCHE BUENA SA KALSADA
This personal project of mine started in 1994 when Boy and I decided to prepare Christmas bags for our kababayans in Kalookan. To make the long story short…we are on our 28th year. Thanks to everyone who supported my mission over the years.
This year we decided to give to everyone who had no choice but to still work during Christmas Eve. Gasoline boys, grab drivers, tricycle and taxi drivers who stayed awake all night trying to make a living. God bless you all abundantly.
To God be all the glory! Happy Holidays to everyone.”
***
MATUTUWA ang mga mahilig sa musika na tulad ng editor nitong People’s Balita na si Rohn Romulo kapag napanood ang bagong music video ni Sandara Park o DARA.
Christmas good vibes ang hatid ng video Dara sa kanyang DARA TV channel sa Youtube kung saan umaawit siya ng cover ng Winter Wonderland na kanta ni John Legend.
Halatang todo ang effort sa naturang video, mula sa outfit ni Dara na paskung-Pasko ang dating hanggang sa magandang production design ng set.
Bongga rin ang piano accompaniment niya sa katauhan ni Jeong Dong Hwan ng MeloMance.
Malamig, maganda ang boses ni Dara kaya maraming fans ang umaasang mag-launch na ang dating 2NE1 member ng kanyang solo debut recording.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia
Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor. Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay. “The policy is not anti-poor […]
-
Natuwa nang malamang nagkabati na sila ni Lotlot: CHRISTOPHER, pinag-iingat si NORA matapos ma-ICU dahil sa pulmonary disease
MASAYA si Kapuso actress Kylie Padilla na laging nagti-trending at nakakakuha ng mataas na rating gabi-gabi ang sports serye niyang Bolera after First Lady sa GMA Primetime, with Rayver Cruz and Jak Roberto. Pero hindi lamang ang successful serye ang nagpapasaya kay Kylie. Nakakatuwa ang pagsi-share niya ng Instagram Stories post niya na […]
-
PH handang makipagtulungan sa ibang bansa para sa rules-based order
MULING iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga regional at global partners nito para sa isang rules-based order at maituloy ang pag-uusap sa mga hindi pagkakaintindihan. Ginawa ni Romualdez ang pahayag nitong Huwebes sa pagsimula ng ika-31 Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), kung saan ang Pilipinas ay […]