NADINE, hinahanapan na ng magandang projects na ipi-present ng Viva; open din na magpartner sila ni JAMES
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-UUSAPAN na uli si Nadine Lustre at ang Viva Entertainment.
Ito ang ipinahayag ni Vincent del Rosario sa presscon ng Vivamax, ang streaming platform ng Viva which marked its sixth month.
Ayon pa kay Vincent, nakatakda raw silang makipag-usap kay Nadine para mag-present ng projects sa dalaga.
Si Boss Vic del Rosario raw mismo ang nagsabi sa kanila na maghanap ng projects na pwedeng i-present sa ex-girlfriend ni James Reid.
Maraming beses na raw sinabi ni Boss Vic sa kanila na open ang Viva na muling makatrabaho si Nadine dahil may live contract naman ito sa kompanya.
“Nagsimula na kaming maghanap ng right material for Nadine. Gusto namin na mabigyan siya ng project na bagay sa kanya. Hopefully, within the year ay may mai-present na kaming project for her na magugustuhan niya,” pahayag pa ni Vincent.
Ayon pa kay Vincent, nakakapag-usap naman daw sina Nadine at Boss Vic kasi may active contract naman ang aktres sa kanila.
“Nadine is like family to us. The opportunity to work with her again is exciting. She will bring new flavor sa possible new partnerships na pwede namin magawa for her,” dagdag pa ni Vincent.
Bukas din naman ang pintuan ng Viva na muling makatrabaho si James bilang kapartner ni Nadine or as a solo artist bagamat walang active contract sa kanila ang binata.
Naghahanda na rin ang Viva sa paggawa ng pelikula sa kanila nina Sarah Geronimo at Anne Curtis next year.
Nag-agree na si Anne sa movie na gagawin niya to be directed by Erik Matti.
Posible rin na gumaw muli ng virtual concert si Sarah before the year ends. Successful kasi ang Tala concert niya at malakas ang clamor ng fans na siya ay mapanood muli sa isang live concert kahit na virtual lang.
***
INABOT ng pandemic ang Pedro Penduko project na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli kaya hindi muna itinuloy ang filming nito.
Pero bago ang pandemya ay sumabak na sa training ni Matteo bilang paghahanda sa role niya sa pelikula na dapat sana ay launching film ni James Reid.
Pero dahil nagkaroon ng injury si James kaya kinailangan niyang mag-backout sa movie at si Matteo ang napisil ng Viva to play Pedro Penduko instead.
Maraming cast na involved at maraming malalaking eksena ang pelikula kaya hindi pwede mag-shoot ang Pedro Penduko sa panahon ng quarantine kahit pa sumunod pa sila sa protocol.
Siyempre limitado lang ang pwedeng mag-shoot under a bubble set-up kaya minabuti ng Viva to put the project on hold.
Since malaki ang production requirement ng Pedro Penduko, mahirap itong i-mount during the pandemic. Nangangailangan ito ng maraming artista at extras, na hindi pinahihintulutan sa bubble set up.
Bilang proteksyon sa kanilang mga artista, Viva makes sure na sumusunod sila sa safety protocols. Maingat sila at patuloy na nag-iingat.
Kung may mga kaso na may mga tao sa production na nagkasakit, agad naman natulungan ang mga ito at hindi naantala ang production.
(RICKY CALDERON)
-
MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi
SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza. Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens. Caption ng tv […]
-
PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City
BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.
-
Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay
BILANG pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay. Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]