Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH
- Published on December 29, 2023
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH).
Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima:
lalaki: 20
babae: 3
naputukan sa bahay o kalapit na kalye: 23
aktibong sangkot: 13
gumamit ng iligal na paputok: 14
“Kasama sa mga bagong kaso ang dalawang (2) bagong amputation, na parehong kinasasangkutan ng ilegal na Pla-pla na sinindihan ng mga lalaking teenager na naputulan ng mga daliri,” wika ng Kagawaran ng Kalusugan.
“Isang (1) amputation case kahapon ang maling naiulat; kaya ang kabuuang bilang ng mga amputation ngayong season ay anim na (6).”
Nasa 75 na ang nabibiktima sa ngayon. Anim sa bawat sampung kaso ay nanggaling sa mga sumusunod na erya:
National Capital Region: 40%
Central Luzon: 12%
Ilocos Region: 8%
“Siyamnapu’t anim na porsyento (96%) ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan, karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok,” dagdag pa ng DOH.
“Ang mga iligal na paputok ang dapat sisihin sa humigit-kumulang anim sa bawat sampung kaso.”
Una nang ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) ang updated na listahan ng mga iligal na paputok at pyrotechnic devices, bagay na kadalasang napakasensitibo.
Ngayong buwan lang nang maglabas ang Department of Trade and Industry ng mga certified fireworks upang magabayan ang mga consumer ngayong New Year.
Matagal nang hinihikayat ng DOH ang publikong umiwas ang lahat sa paggamit ng paputok, at sa halip gumamit na lang ng mas ligtas na paingay.
-
Krimen tumaas sa Alert Level 1 – DILG
MULING tumaas ang ilang index crimes simula nang isailalim ng pamahalaan ang ilang lugar sa bansa sa Alert Level 1. Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng nakawan na nagsimula aniyang dumaming muli nang tumaas ang mobility ng mga tao, ngayong […]
-
Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque
WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP). “Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man […]
-
‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t
Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang […]