Nag-ambag na ng P800 million ang pribadong sector pambili ng COVID-19 vaccines
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Lance Gokongwei ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department of Health (DOH) para maibigay naman sa priority sectors na babakunahan.
Ayon kay Gokongwei, ang kalahati naman ay ibibigay sa kanilang mga empleyado at mga tauhan.
Ang inisyatibong ito umano ng pribadong sector ay bilang pakikiisa sa “whole of nation approach” at bilang pagkilala na dapat walang iwanan, walang kanya-kanya at walang turuan sa pagkuha ng supply ng bakuna ng bansa para sa ating mamamayan.
Nakipag-usap na umano ang National Task Force against COVID-19 sa pangunguna ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa AstraZeneca para sa mga bibilhing doses ng COVID-19 vaccine.
-
Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay
DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan. Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay. […]
-
Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act
IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Sinabi ng Kalihim na binuo ang technical working group (TWG) para mag- draft ng IRR ng bagong batas na magbibigay […]
-
RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’
TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi. “Soon this October, starring Tony Labrusca and […]