Nag-celebrate na sila ng second wedding anniversary: SARAH, kitang-kita na sobrang happy at wini-wish na magka-baby na sila ni MATTEO
- Published on February 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-CELEBRATE na last Sunday, February 20 ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng kanilang second wedding anniversary.
Minarkahan ng 31-year-old hunk actor ang isa pang milestone nila bilang mag-asawa ng tinaguriang Popstar Royalty sa pamamagitan ng nakakakilig na series of photos sa kanyang IG post.
Ikinasal noong February 20, 2020 sina Matteo at Sarah, ilang linggo bago sumipa ang COVID-19 cases sa bansa.
May caption ito ng, “Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life.
“I love you my beautiful wife! You’re the best. happy 2nd year anniversary,” he added.
Sa comments section, pinusuan at umapaw ang pagbati mula sa kanilang celebrity friends at ilang dito sina Iza Calzado, Karen Davila, Angel Locsin, Alex Gonzaga, Tim Yap, Martin Nievera, Iya Villania, at Vice Ganda.
Say naman ng mga marites na tuwang-tuwa rin sa entertainment blog na fashionpulis.com:
“Sarah G is so happy! So happy for her!”
“Wish ko magka baby na sila! Wish ko lang naman. Kung ayaw (pa) nila okay lang din naman. Na-imagine ko lang na mommy si SG!”
“Happy 2nd Anniversary! Really happy for them & god bless their marriage. They are enjoying na sila muna for now pero mag baby na sana this year.”
“Happy 2nd anniversary. Parang di na sungki ang ngipin ni Sarah.”
“She had braces. May photos sya I think last year or last last year na naka-braces siya.”
“Ganda ni Sarah I wonder bakit dati pa hindi sya nag pa brace kung ganyan pala ang kakalabasan.”
“Magkamukha pala sila.”
“Parang Sarah aged so fast in the past 2 yrs but she still looks so good. Dami din niang na experience na nagawang bago in the past 2 yrs compared to the her past yrs na single. Genuinely happy.”
“Anyare sa career ni Sarah nung nawala ignacia naging inactive na sya.”
“I miss the sing and dance of Sarah G! Beh! Balik ka na ASAP!”
“I think that’s her choice. Parang si AnneCurtis lang di pa rin bumabalik ng full time sa showbiz, the only difference is, active si Anne sa social media account(s) niya.”
“Happy Anniversary, Matteo and Sarah!”
(ROHN ROMULO)
-
Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang umiiral at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum. “I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for […]
-
Hinaharang daw para paboran si Vilma: Fans ni NORA, ‘di matanggap na nakapasok ang ‘Uninvited’ sa 50th MMFF
TUWANG-TUWA ang mga Vilmanians dahil napasama sa sampung MMFF entries para sa taong ito ang pelikulang “Uninvited “ Ang nasabing movie ay pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre. Siyempre bukod sa grupo ng VSSI na pinamumunuan nina Jojo Lim ay isa sa very much […]
-
Fr. Licuanan itinalaga sa Quiapo Church
INANUNSIYO ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o kilalang bilang Quiapo Church ang pagkakaroon nila ng bagong parish priest. Itinalaga ng Archdiocese of Manila si Father Ramon Jade Licuanan na siyang mamumuno ng minor basilica sa susunod na buwan. Papalitan ng nasabing padre si Father Rufino “Jun” Sescon Jr na itinalaga bilang […]