Nag-celebrate pa ng 2nd anniversary last May: ARIANA GRANDE, hiwalay na sa asawa na si DALTON GOMEZ
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
NAIKUWENTO ni Sef Cadayona na pumasok na sa isip niya nitong mga nagdaang mga buwan na mag-quit na siya sa showbiz.
Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi na siya sumama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang.”
“Actually hindi naman ako nawala, nandito pa rin ako. Kung kailangan niyo po ako nandito pa rin ako. But for me, I think it was my time to graduate and to look into a different side ng buhay ko,” paliwanag ni Sef.
Patungkol ito ni Sef kung bakit hindi na siya nakasama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang”.
“Going back months before, actually ayoko nang mag-showbiz. I don’t know. Kung sa damdamin lang, parang hindi ko nakikita na nagsa-shine ulit ‘yung talent ko. In a sense, yes, na hindi showbiz.”
Ayon sa aktor, dumating ang pagkakataon na nagdududa siya sa sarili pagdating sa showbiz.
“Hindi rin po sa hindi stable sa showbiz, more on sa akin po iniisip ko, ‘Okay pa ba ako? Okay pa ba ako dito? Nagagampanan ko pa ba ‘yung role ko?,’” pahayag niya.
Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan, nagpasalamat si Sef sa kaniyang GMA bosses, na gumabay sa kaniya para sa kaniyang desisyon na manatili sa industriya.
“Nakita ko po ‘yung pagmamahal nila,” sabi ni Sef.
Gaganap naman ngayon si Sef sa bagong Kapuso series na “Love Before Sunrise” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.
***
SA Hong Kong Disneyland ginawa ni Allen Ansay ang kanyang proposal kay Sofia para maging date niya sa GMA Thanksgiving Gala 2023.
Sa in-upload na video ni Allen sa official YouTube channel nila si Sofia, kinuwento niya ang naging plano niya para maging special ang proposal niya.
“Balak ko sana, mamayang gabi, pag-fireworks sa Disneyland, gusto ko sa kanya mag-propose gamit ito,” sabay pakita ni Allen ang tablet na may words na “Will you be my date in the GMA Gala?”
Kahit na magka-loveteam sila ni Sofia at marami na silang nagawang TV shows, hindi pa rin daw nawawala ang kaba at nerbyos niya lalo na at gagawin niya ang proposal sa harap ng maraming tao.
“Pag nagpalpak ‘to, hindi ko na puwede ulitin kasi maraming makakakita. Kinakabahan ako pero alam kong magagawa ko ‘to nang maayos,” sey ni Allen na nakasuporta sa gagawin niya ang kanyang mommy.
Buong araw nga raw sila namasyal ni Sofia sa Ocean Park at Disneyland hanggang sa sumapit na ang gabi para sa fireworks display.
Noong magsimula na ang pagputok ng mga colorful fireworks sa ere, doon na nilabas ni Allen ang tablet at tinapik niya sa balikat si Sofia para makita ang proposal niya.
Noong mabasa ni Sofia, ngumiti ito at nag-“yes” sabay thumbs up kay Allen.
“Yes mga ka-Team Jolly, successful na naman tayo at napasagot ko siya!” masayang balita ni Allen sa video.
Kaya abangan sa red carpet ng GMA Gala Ball on July 22 ang Team Jolly / AlFia loveteam.
***
AFTER two years, hiwalay na si Ariana Grande sa asawa nitong si Dalton Gomez.
Ayon sa report ng People: “The couple separated earlier this year and have been quietly and lovingly working on their friendship.”
Kasalukuyang nasa London si Ariana at ginagawa ang film adaptation ng musical na ‘Wicked’. Nakita ito sa set na hindi na suot ang kanyang wedding ring.
Last year ay nakitang hindi na suot ni Ariana ang wedding ring sa isang makeup tutorial on Tiktok. Pero pinabulaanan ng singer sa naging usap-usapan noon na hiwalay na sila ni Dalton.
Ang naging rason noon ni Ariana: “I’m just not wearing my wedding ring, it’s getting cleaned. I’m not getting a divorce before you start, don’t.”
Nakapag-celebrate pa sila ni Dalton ng second wedding anniversary nila noong May.
Kinasal noong May 2021 sina Ariana at Dalton sa Montecito, California, with less than 20 people present.
(RUEL J. MENDOZA)
-
MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR
NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na […]
-
Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque
NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo […]
-
SIM registration kasing bilis lang ng pagbubukas ng e-wallet-DICT
TINIYAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na madali lang ang pagpaparehistro ng subscriber identity module (SIM) cards. Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, wala itong ipinagkaiba sa pagbubukas ng account gamit ang e-wallet platform. “This method would allow for the fast and convenient registration of about 144 […]