• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-celebrate sa isang tahimik na lugar… RHIAN, thankful sa three years na relasyon nila ni party-list Rep. SAM

THREE years na ang relasyon nila Rhian Ramos at party-list representative, Sam Verzosa.

 

 

 

 

Pinost ni Rhian via Instagram ang pag-celebrate ng dalawa sa isang tahimik na lugar kunsaan silang dalawa ang naroon.

 

 

 

 

“Happy anniversary booboo 3 years na pero parang pang 3 weeks pa lang ang pagka-annoying natin.

 

 

 

“Thank you for being on the rollercoaster with me! Looking forward to more years of happy, sad, determined, stressed, finding purpose, chill lang, in love, out love and all of the above, paulit-ulit.. basta magkasama.

 

 

 

“I know you’re a lot of things to a lot of people and may iba’t ibang title ka na, but whenever you just wanna be booboo, I’m here and I love you,” caption ni Rhian.

 

 

 

Taong 2022 nung isapubliko nila Rhian and Sam ang kanilang relasyon noong sabay silang dumating sa GMA Thanksgiving Gala.

 

 

 

Pinuri naman ang pagganap ni Rhian bilang si Filipina dela Cruz sa ‘Pulang Araw’ ng GMA Prime.

 

 

 

***

 

 

 

MUKHAMG hindi pa matutupad ang balak na mahabang bakasyon ni Ruru Madrid after magtapos ang ‘Black Rider.’

 

 

 

Sunud-sunod ang nakapilang trabaho sa kanya na kailangang paghandaan niya tulad nang pagkakasama niya sa cast ng ‘Green Bones’ na isa sa official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival.

 

 

Kasama niya sa cast sina Dennis Trillo at Sofia Pablo.

 

 

 

Sey ni Ruru: “I want to prepare na talagang hindi ko pa nagagawa, like workshops, gusto ko mag-travel mag-isa para lang makapag-unwind, para alam kong handa ako kapag ginawa ko na po itong Green Bones.”

 

 

 

Sa September 1 naman ay lilipad for Japan si Ruru kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Jillian Ward, Betong Sumaya at Bianca Umali para sa Sparkle World Tour 2024 sa Tokyo.

 

 

 

***

 

 

 

DAHIL sa mga binitawang comments ni Justin Timberlake sa media kaugnay ng kanyang DWI (Driving While Intoxicated) arrest in Sag Harbor last June, sinuspinde ang kanyang New York driver’s license.

 

 

 

“Justice Carl Irace suspended Timberlake’s license due to his refusal to take a breathalyzer test after he was pulled over in Sag Harbor. It is unclear how long Timberlake won’t be able to drive in New York, but it can be up to a year for someone who refuses a breathalyzer in the state,” ayon sa report ng TMZ.

 

 

 

Nag-plead “not guilty” for the second time si Justin sa DWI charge habang nasa Belgium siya para sa kanyang ‘Everything I Thought It Was’ tour.

 

 

 

Ni-reprimand ng judge ang lawyer ni Justin dahil sa mga comments nito that are “irresponsible” and “come off as an attempt to poison the case.”

 

 

 

Sa September 13 haharap si Justin sa korte in Sag Harbor.

 

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”

    Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]

  • Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

    HINATULANG  “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.     Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]

  • Priority Group A4 list, aprubado na

    INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa […]