Nag-comment ang asawa ng ‘see you soon’: YASMIEN, masayang pinost ang ultrasound ng paparating na baby nila
- Published on April 3, 2024
- by @peoplesbalita
PINAKITA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Instagram ang ultrasound ng kanyang paparating na baby.
Nag-post si Yasmien ng clips ng baby na gumagalaw sa kanyang sinapupunan, pati na ang heartbeat.
“I am ALIVE! So chubby! I Love You #YourMamaDragonLovesYouSoMuch #CantWaitToSeeYou #MyBabyDragon #3rdDragon in the family #IPromiseToProtectYouAlways.” caption ng Kapuso actress.
Nagkomento naman sa post ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey Soldevilla na nagsabing, “see u soon baby!”
Ang panganay na anak ni Yasmien na si Ayesha Zara ay 11-years old na.
***
HALOS mag-iisang taon na mula nang ipakilala ang Sparkada beauty na si Cheska Fausto bilang newest member ng award-winning at longest-running gag show na ‘Bubble Gang.’
Matatandaan na noong July 2023, kasabay sa paglipat ng timeslot ng show sa Linggo ng gabi, isa si Cheska sa mga naging addition sa Bubble barkada.
Ayon sa Sparkle actress, kahit galing siya sa drama, madali ang adjustment na mapasama sa isang comedy program sa tulong na rin ng kaniyang mga co-star.
“Nung pumasok ako sa Sparkle, never ko in-expect na mapunta ako sa comedy realm. Nasa drama talaga ako. Pero siguro nakapag-adjust ako, kasi unang-una, sobrang naging comfortable ako sa Bubble Gang family.”
Bukas nga raw sa pagtuturo ang mga seasoned comedians ng show tulad nina Direk Michael V., Paolo Contis, at Chariz Solomon.
“Sobrang welcoming nila at talagang madami ako natutunan talaga coming from si Ate Cha [Chariz Solomon] before ako sumabak sa mga eksena. Kay Kuya Bitoy, kay Kuya Pao [Paolo Contis] lahat sa kanila. So, talagang naging smooth sailing din siya along the way, kasi nga nagtutulungan.”
Bukod sa ‘Bubble Gang’, napanood din si Cheska sa ‘Love Before Sunrise’ at ‘Luv Is: Caught In His Arms.’
(RUEL J. MENDOZA)
-
Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media
SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon. Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y […]
-
PCO, mga dambuhalang social media company pinaigting ang digital defense kontra fake news
SANIB-PUWERSA ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga higanteng social media company sa Pilipinas sa paglaban sa “misinformation at disinformation.” Binigyang diin ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa pagtitipon na may katawagan na UniComm 2024 sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Maynila ang pangangailangan na ‘wakasan na” ang “misinformation […]
-
Ads September 20, 2021