• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-comment ang asawa ng ‘see you soon’: YASMIEN, masayang pinost ang ultrasound ng paparating na baby nila

PINAKITA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Instagram ang ultrasound ng kanyang paparating na baby.

 

 

Nag-post si Yasmien ng clips ng baby na gumagalaw sa kanyang sinapupunan, pati na ang heartbeat.

 

 

“I am ALIVE! So chubby! I Love You #YourMamaDragonLovesYouSoMuch #CantWaitToSeeYou #MyBabyDragon #3rdDragon in the family #IPromiseToProtectYouAlways.” caption ng Kapuso actress.

 

 

Nagkomento naman sa post ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey Soldevilla na nagsabing, “see u soon baby!”

 

 

Ang panganay na anak ni Yasmien na si Ayesha Zara ay 11-years old na.

 

 

***

 

 

HALOS mag-iisang taon na mula nang ipakilala ang Sparkada beauty na si Cheska Fausto bilang newest member ng award-winning at longest-running gag show na ‘Bubble Gang.’

 

 

Matatandaan na noong July 2023, kasabay sa paglipat ng timeslot ng show sa Linggo ng gabi, isa si Cheska sa mga naging addition sa Bubble barkada.

 

 

Ayon sa Sparkle actress, kahit galing siya sa drama, madali ang adjustment na mapasama sa isang comedy program sa tulong na rin ng kaniyang mga co-star.

 

 

“Nung pumasok ako sa Sparkle, never ko in-expect na mapunta ako sa comedy realm. Nasa drama talaga ako. Pero siguro nakapag-adjust ako, kasi unang-una, sobrang naging comfortable ako sa Bubble Gang family.”

 

 

Bukas nga raw sa pagtuturo ang mga seasoned comedians ng show tulad nina Direk Michael V., Paolo Contis, at Chariz Solomon.

 

 

“Sobrang welcoming nila at talagang madami ako natutunan talaga coming from si Ate Cha [Chariz Solomon] before ako sumabak sa mga eksena. Kay Kuya Bitoy, kay Kuya Pao [Paolo Contis] lahat sa kanila. So, talagang naging smooth sailing din siya along the way, kasi nga nagtutulungan.”

 

 

Bukod sa ‘Bubble Gang’, napanood din si Cheska sa ‘Love Before Sunrise’ at ‘Luv Is: Caught In His Arms.’

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBA players, coaches officials nag-swab test na!

    Sumalang na sa swab test kahapon ang lahat ng players, coaches, staff at officials para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Pampanga.     Bahagi ng health protocols na ipinatutupad ng liga ang swab test bilang tugon sa nakasaad sa Join Admi­nistrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH.     Tuwing […]

  • KC, isa lang sa sobrang proud at palaging nakasuporta: MIEL, matapang na inamin na belong siya sa LGBTQ+ community

    MATAPANG na inamin ni Miel Pangilinan, bunsong anak na babae nina Megastar Sharon Cuneta at former Senator Kiko Pangilinan na she is a member of the LGBTQ+ community.   Sa isang mahabang post sa kanyang IG account (@mielpangilinan) ay inamin ni Miel na belong siya sa Pink Community:   “this june, i am celebrating my […]

  • Ads May 11, 2021