Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH
- Published on August 11, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.
Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility at ang DOH na kanilang papalitan ang mga na-expire na mga bakuna.
Magugunitang aabot sa P5.1 bilyon ang halaga ng bakuna na binili ng mga private sector ang nag-expire na.
Maari lamang itong maisakatuparan sakaling magkaroon na ng sapat ng suplay ng bakuna.
Ang COVAX ay isang global initiative para sa pantay na distribusyon ng bakuna na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO), Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), at vaccine alliance na GAVI. (Daris Jose)
-
Top 3 most wanted person ng Navotas, nakorner sa Caloocan
NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang 22-anyos na lalaki na nasa top 3 most wanted person sa Navotas sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSUO chief PLTCOL Robert Sales ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. […]
-
Kaya simple ang celebration nila ni DOMINIC: BEA, on strict diet bilang paghahanda sa movie nila ni ALDEN
CONGRATULATIONS to Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa success ng kanyang documentary concert, na siya ang producer at hands on sa lahat ng paghahanda sa show na ginanap last Sunday, January 30. Umani ng papuri ang ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr. na ipinakilala ni Alden ang sarili niya at ang mga pinagdaanan […]
-
Psalm 34:8
The Lord is good.