NAG-EXPIRED NA MGA US PASSPORT, PAPAYAGANG MAKA-ALIS NG BANSA
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang American citizens na narito ngayon sa bansa subalit expired na ang kanilang pasaporte bago o pagkatapos ng January 1, 2020 ay maaari ng makalabas ng bansa gamit ang kanilang expired passport.
Sa memorandum na inisyu ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nagbigay ito ng direktibasa mga BI personnel na nak assigned sa iba’t ibang ports na payagan ang mga papaalis na pasahero na may US passport na papaso mula January 1 noong nakaraang taon at mag-expire hanggang December 31 ng kasalukuyang taon.
Pero paliwanag ni Morente na maari lamang gamitin ng mga US-bound passengers na papaalis hanggang December 31, 2021.
Ipinag-utos din ng BI Chief sa bureau’s tourist visa section and alien registration division na iproseso ang kanilang aplikasyon para sa kanilang pananatili at emigration clearance certificates (ECC) sa mga may hawak ng expired passport kapag nagpakita sila ng confirmed ticket sa kanilang pag-alis patungong USA.
Ang pahayag nito ni Morente ay kasagutan sa mga sulat na kanilang natanggap mula sa US Embassy sa Maynila hinggil sa mga na-stranded dahil sa pandemic at nag-expired ang kanilang pasaporte.
“Because of the request from the US Embassy, in principle, passports that expired from January 1, 2020 up to the end of 2021 are considered valid and extended, hence they may be allowed to depart,” ayon kay Morente. “But this rule applies only to departing passengers. Those who are planning to remain here or convert their visas still need to present a valid passport,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)
-
COA, isiniwalat ang mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya
ISINIWALAT ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya. Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon. Sa pagbanggit […]
-
Malakanyang, todo-depensa sa desisyon ng IATF na manatili ang NCR at iba pang lugar sa alert level 2 status
TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 status. “Right now, hindi pa tayo handa na mag-declare ng any Alert Level 1 sa ngayon, ” ayon kay acting Presidential Spokesperson at […]
-
WATCH THE NEW INTERNATIONAL TRAILER OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”/THE TREASURE HUNT IS ON IN THE FIRST TRAILER OF “UNCHARTED”
UNCOVER the past. Protect the future. Watch the new international trailer of Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, exclusively in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/vstFiU4r-Cc And in case you missed it, watch what went down at the recent New York Comic Con during the Ghostbusters: Afterlife panel. Check out the sizzle reel and photos below. […]