• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-file na ng COC para muling makapaglingkod: Rep. ARJO, inaming ‘di sila nape-pressure ni MAINE na magkaanak

TINANONG namin si Arjo Atayde kung kailan siya magiging Daddy Arjo.

 

“Obviously that’s one of my dreams,” pakli niya.

 

“But for now, I’ll leave it between us, but definitely, that’s something that we talk about,” pagtukoy ni Arjo sa misis niyang si Maine Mendoza.

 

“That’s one thing I have to say, it’s something we talk about, but we don’t want to disclose plans on when or what.”

 

Wala naman raw pressure kung kailan sila magkakaanak ni Maine.

 

“Opo, practically…obviously she’s also busy, I’m also hitting elections. Ayoko naman pong manganak siya sa susunod na election din, and a lot of things to consider besides that.

 

“So yun lang po, but definitely looking forward din po, of course,” ang nakangiting wika pa ni Arjo.

 

Hiningan namin ng reaksyon si Arjo sa mga umikot na balitang hiwalay na raw sila ni Maine.

 

“Yeah, ano nga din po…sinasabi ko nga po, mga patutsada lang yan ng mga namumulitika, mga bashers.

 

“Mga undying bashers na hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila,” at natawa ang actor/politician.

 

Nakausap namin si Arjo sa thanksgiving at early Christmas party niya para sa mga miyembro ng media sa Quezon City District 1 headquarters ni Arjo sa West Avenue, Quezon City.

 

Ang pasasalamat ni Arjo ay para sa pagwawagi niya bilang Best Male Lead in a TV Program/Series sa ContentAsia 2024 na ginanap sa Taipei, Taiwan para sa kanyang performance sa ‘Cattleya Killer.’

 

Samantala, sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), isa si Cong. Arjo ang nag-file para ituloy ang nasimulang proyekto at programa bilang representative ng 1st District ng QC.

 

Sinamahan siya ng kanyang inang aktres na si Sylvia Sanchez, incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa Comelec-NCR office sa San Juan City.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Other News
  • P5.768 trillion 2024 national budget, pirmado na ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng P5.768-trillion 2024 national budget, araw ng Miyerkules, nanawagan sa mga ahensiya na isagawa ang expenditure program na naaayon sa batas at kilalanin ang mga taxpayers na naging dahilan kung bakit naging posible ang budget para sa susunod na taon.     Sa nasabing event, […]

  • AIKO, nanawagan na maging mas mabait at maunawain sa mga delivery riders; never siyang nang-away o nag-report

    NAG-POST ang premyadong Kapuso actress na si Aiko Melendez ng kanyang saloobin at panawagan na rin sa lahat na palaging nagpa-deliver online.     Sa official Facebook page niya, may pakiusap siya na sana mas maging mabait at maunawain tayo sa mga riders, lalo na sa panahon ng pandemya.     Aminado naman si Aiko […]

  • Pinay swimmer Kayla Sanchez bigong makausad sa finals

    BIGONG makausad sa finals ng women’s 100 meter freestyle si Pinay swimmer Kayla Sanchez. Nagtapos lamang kasi ang Filipino-Canadian sa pang-pito sa group at pang-15 sa overall ng semifinals. Umabot sa 54.21 segundo ang kaniyang naitalang oras sa nasabing torneo. Magugunitang nakapasok si Sanchez sa semis matapos makuha ang pang-10 puwesto sa overall sa heats […]