• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE

MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian.
Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng anak o sa paghihiwalay nila.
May hanash si Pokwang sa tila bagong karelasyon ni Lee. Nakumpirma rin namin ang sumunod niyang post na tila nag-file siya ng custody para sa anak.
Nag-file nga raw ito ng custody lalo pa’t si Malia ay American Citizen. Bukod sa tila may intensiyon si Lee na maisama pansamantala ang anak sa America para madalaw yata ang Lolo at Lola rin nito.
Sa isang banda, sa recent post ni Pokwang, may tinawag itong ahas na minsan ay naging bahagi ng pamilya. Sabi niya, “Not all snakes are in the forest! Once in the family.”
Dahil hindi naman ito pinangalanan ni Pokwang. May nag-assume agad na baka si Lee rin daw ito o baka ibang miyembro ng pamilya.
Obviously nga raw, may mga pinagdadaanan ito ngayon.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Ikalawang impeachment laban kay VP Sara Duterte, inihain

    NAGHAIN ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.     Kabilang na dito ang 21 youth complainants sa pangunguna ni     Kabataan Partylist’s Atty. Renee Louise Co, at iba pang lider ng iba’t ibang sektor.     Ayon kay Kabataan Spokesperson at First Nominee Atty. Renee Co, “hindi kami na-brainwash, nautusan lang […]

  • Nang tinawag na ‘next John Lloyd Cruz’: JOSHUA, honored at inaming nakatulong sa pagiging aktor

    WALANG ibang maaaring mag-claim na siya ang “next John Lloyd Cruz” kundi si Joshua Garcia.     At ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito?     “Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.     […]

  • PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.     Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang […]