• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-share ng kanyang virtual diaries: GABBI, walang takot na mag-travel na walang kasama

PAREHONG na-excite sina Jennylyn Mercado at Sam Milby nang malaman nilang muli silang magtatambal sa isang movie na may working title na “All About My Wife.” 

 

 

Isa itong Philippine adaptation ng South Korean film with the same title pero hango sa Argentinian hit comedy movie na ”A Boyfriend for my Wife.”

 

 

Madaling pumayag sina Jen at Sam na tanggapin ang offer matapos nilang mabasa ang script ni Rona Co.  “Yes” agad ang sagot nila sa producer na CreaZion Studios.

 

 

Dapat sana ay isasali ang move sa coming Metro Manila Film Festival 2023 pero nagkasakit si Jen, plus tinatapos din nito ang serye nila ni Xian Lim na “Love. Die. Repeat” or “LDR” sa GMA-7 kaya hindi na ito aabot, napagpasiyahan nilang gawing Valentine Day presentation ito sa 2024.

 

 

Ang movie ay magsu-shoot sa Cebu at South Korea, at ididirek ni Real Florido na isa rin sa co-founder at chief creative officer ng CreaZion Studios. Ayon sa manager ni Jen na si Becky Aguila, excited nang mag-shoot ang alaga niya sa October, 2023.

 

 

Happy si Jen na muling makatambal si Sam sa romantic comedy movie  na “All About My Wife” matapos nilang unang magtambal sa pelikulang “The PreNup” noong 2015.

 

 

May surprise ang movie na isa pang actor na makakasama nila pero ayaw pang ipakilala ng CreaZion Studios na co-producer  ng Cornerstone Entertainment.  Minsan na ring nakasama ni Sam ang said actor sa isang movie.

 

 

***

 

 

WALA palang takot si Kapuso actress Gabbi Garcia to travel alone.

 

 

Si Gabbi na bida sa primetime series na “Unbreak My Heart,” ay nag-share ng kanyang virtual travel diaries bilang isang solo traveler sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories bilang isang first-time solo traveler last Tuesday.

 

 

Sa first day  ni Gabbi sa Osaka, Japan, she went on a food crawl, a museum tour, and binisita ang iconic sport in Dotonbori River na doon located ang Glico billboard.  Ang highlight daw ng trip niya was navigating her way to several locations on her own.

 

 

Noong una raw na pumunta siya ng Japan, nag-depend siya sa mga kasama niya, pero this time she did it in her own, na na-miss niya nung una ang kanyang sasakyang trains

 

 

“When I got to where I’m headed, I’m so proud of myself.”

 

 

Ginawa ito ni Gabbi, matapos siyang makapag-shoot ng historic series collaboration between GMA Network at ABS-CBN, ang “Unbreak My Heart” where she did her “most  mature role” to date, with Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria and Richard Yap.

 

 

Napapanood ito Mondays to Thursdays sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, and I Heart Movies at 9:35p.m. and 11;25 pm on GTV.

 

 

***

 

 

NANG mag-guest si Kapuso actor Marvin Agustin sa “Fast Talk with Boy Abunda,” the actor-turned-restauarateur said his heart is currently happy.

 

 

Sabi pa niya nasa 10 daw ang rating niya kung gaano siya kasaya ng mg oras na iyon.  Pero ang tanong sa kanya ni Boy: “Yes or no, are you single?” na sinagot niya ng “I’m not single.”

 

 

Dagdag pa ni Marvin, open siya pag-usapan ang tungkol sa kayang love life with his twin sons, sina Sebastian at Santiago, at sa mother nilang si Tetet Dy.

 

 

“Nagkukuwentuhan kami about everthing so alam nila kung kailan ako maligayang-maligaya at kung kailan ako malungkot,” dagdag pa ni Marvin.

 

 

Sa ngayon, maraming restaurants si Marvin, ilan dito ang Cochi by Marvin, Secret Kitchen, Kondwi, and Mr. VinMuchies, in Metro Manila.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads May 31, 2024

  • Matapos hulaan ng Korean fortune teller: GLAIZA, ima-manifest na magkaka-baby na sila ni DAVID next year

      BALIK sa pagigiging kontrabida si Glydel Mercado sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na ‘Shining Inheritance’.     Matagal ding nagpahinga ang award-winning actress sa paggawa ng teleserye. Huli pa niyang nagawa ay ‘Artikulo 247’ noong 2022 pa.     Sa ‘Shining Inheritance’, gaganap siya bilang si Lani Vergara-Villarazon, ang madrasta na […]

  • NAVOTAS NAKAKUHA NG TOP MARK MULA SA COA

    SA anim na mgkakasunod na taon, nakamit ng Pamamahalang Lungsod ng Navotas ang pinakamaatas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA).     Ibinigay ng COA ang “unmodified opinion” sa presentation ng lungsod 2020 ng financial statements.     Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016, ang nag-iisang lokal […]