Nag-sorry sa naapektuhan ng cryptic post: SHARON, inaming naghiwalay sila ni KIKO pero nagkaayos din
- Published on January 3, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Megastar Sharon Cuneta na saglit silang naghiwalay ng asawa na si dating Senador Kiko Pangilinan.
Sa Instagram Live ni Sharon kasama si Kiko at tatlo nilang anak na sina Frankie, Miel at Miguel binati nila ang mga netizen ng Happy New Year.
Sa kanyang caption, “From my family to yours, a blessed, prosperous, HAPPY NEW YEAR!!!
I LOVE YOU truly and sincerely, friends and my dearest loyal and loving SHARONIANS!!! HANGGANG DULO!!!”
Binati rin nila si KC Concepcion na hindi nila makakasama sa celebration ng New Year at sa birthday ni Sharon sa January, dahil kasama ang daddy niya na si Gabby Concepcion.
Umalis nga ang pamilya ni Sharon noong January 2, papuntang Seoul, South Korea at ang balik daw nila ay sa January 10 na.
Magkakaroon ng mga changes sa kanyang social media accounts sa taong ito, kaya dapat abangan.
Kasunod nito ang pagso-sorry niya sa mga netizen na naapektuhan ng kanyang mga cryptic post nitong nakaraang linggo.
Say ni Sharon, “I’m sorry to anyone I may have hurt, and every post I made was just to show you when I was sad. And then, of course like everyone else, that’s normal.
“After sadness, we fix some things and then we become happy. So, I don’t know why some people have to be so mean. We’re okay, I just want to say, because they don’t know me like you know me.”
Dagpag pa ni Mega, “For the record, ain’t nothing wrong with any of our brains. We are good. We are normal. We just got some emotions because we’re real people.”
Pahayag naman ni Kiko, “Sabi ko nga, lahat ng pamilya, lahat ng mag-asawa, nangyayari ang tampuhan.”
Kasunod nito ang mabilis na pag-amin ni Sharon na, “Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami, so okay na kami.
“That’s the meaning of all the messages I put, but a lot of the quotes, all the other posts were for people close to me that I think needed those posts.
“So, you always assume.”
Hindi na nga naisingit ni Kiko ang gusto niyang sabihin, kaya nag-Happy New Year na lang sila at nagbigay din ng magandang wishes para sa pagpasok ng 2024.
Hindi rin nila nakalimutang imbitahin na panoorin ang ‘Family of Two’ na showing pa hanggang January 7.
Inulit din ni Sharon na ‘wag kalimutang mag-donate ng any amount sa pawssionproject (https://tinyurl.com/DearPawfectHearts) na makikita sa lahat ng kanyang social media accounts.
At dahil nga nakatanggap na naman nang pamba-bash si Sharon, muli niyang pinasalamatan ang kanyang Sharonians.
“I love you so much Sharonians, and I’ll do so many things for you. All these, this is for you, I love you.
“Thank you for all your love and encouragement, and for protecting me. And knowing me, better than these trolls. I love you babies.”
Sa latest IG post ni Sharon, ibinahagi nga niya ang mga photos ng pamilya na kuha sa bago nilang favorite place in Asia.
Advance Happy 58th Birthday Megastar on January 6!
(ROHN ROMULO)
-
Death toll dahil sa bagyong Kristine, Leon pumalo na sa 151- NDRRMC
UMABOT na sa 151 ang napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa tropical cyclones Kristine at Leon. Sa ‘8 a.m. report’ ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 21 katao ang napaulat na nawawala at 134 katao naman ang sugatan. May kabuuang 8,847,888 katao at 2,249,345 pamilya […]
-
Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa
APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa. Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network. […]
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]