• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-viral at higit 3 million views na: WILBERT, pinakaunang male celeb na gumawa ng ‘Asoka Makeup’ challenge

AS expected, hindi nagpakabog ang sikat na content creator, influencer at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup challenge na trending ngayon sa socmed.
As of this writing, naka-3 million views na ang Asoka makeup challenge na version ni Wilbert after one hour, na naka-post sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino.
Very entertaining ang version ni KaFreshness ng Asoka makeup challenge lalo’t si Wilbert ang pinakaunang male celebrity na kinarir ang nasabing challenge.
Meron ding behind the scene shots si Wilbert kung paano niya na-achieve ang napakaganda at nakakaaliw na video.
FYI, 10 hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Asoka makeup challenge.
Kasama ni Wilbert ang kanyang anak na si Willard King sa short video na nakadagdag sa pagiging entertaining nito.
“Mahilig kasi sumama sa akin ang anak ko. Sabi niya, gusto niya sumama sa video kaya ayun, nag-collab kami.
“Pero pinaliwanag ko naman sa anak ko na kaya ako nagme-makeup dahil trabaho lang ito ni Papa bilang content creator,” sabi pa ni Sir Wilbert.
Para sa mga hindi nakakaalam, si Sir Wilbert ay single parent sa kanyang biological son at binubuhos niya ang lahat ng oras at resources niya para kay Willard King.
Anyway, kaabang-abang din ang nagte-trending na rin ngayon na ‘Piliin mo ang Pilipinas’ challenge na inihahanda na rin ni KaFreshness Wilbert.
Nakaka-excite!!!
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Almost three months nang official: DERRICK, umamin na totoo na ang relasyon nila ni ELLE

    MALUNGKOT ang last taping day ng “Voltes V: Legacy” at hindi napigilan na maiyak ang main cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at si Little Jon Raphael Landicho.   Hindi mo naman maalis na hindi ganoon ang maging feelings nila dahil for almost 3 years magkakasama sila sa taping araw […]

  • PBBM, tinintahan ang mga batas na magpo-promote sa MENTAL HEALTH ng mga guro, estudyante

    NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang batas na “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”.     Layon ng batas na gawing institutional ang mental health at well-being programs kapuwa para sa basic education learners at teaching and non-teaching personnel sa pampubliko at pribadong eskuwelahan.   Ito’y upang tiyakin […]

  • ‘Half cup rice isusulong ng DA

    PATULOY na isusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad sa half-cup rice sa mga restaurant bilang tugon sa mga naaaksa­yang kanin.       Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, tugon ito ng ahensiya bagama’t bumaba ang data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa 255,000 metric tons ang household rice was­tage sa […]