• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbibiro na si Luis ng baby number 2: JESSY, inaming nabibilisan sila sa paglaki ni Baby ROSIE

NANGANAK noong December 28, 2022 si Jessy Mendiola sa unang anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose.

 

 

Ano na ang mga “kakulitan” ni Baby Rosie o Peanut?

 

 

“Naku ayaw na niyang magpababa ngayon! Ayaw na niya, tapos tumitili na siya, pag pinapaliguan namin siya, pag pinapalitan ko siya ng diaper naninipa na, malikot na talaga siya.

 

 

“Tapos nakaka-upo na siyang mag-isa, tapos nag-start na siya ng solid food journey niya, so talagang parang mixed emotions kami, kasi bittersweet siya na, ‘Wow, lumalaki na siya!’

 

 

“Yung progress niya amazing, but then, parang nakaka-sad ng konti, kasi parang, ‘I don’t want you to grow up just yet’. Si Luis nga sabi niya, ‘Anak magso-solids ka na’, tapos sabi ko, ‘Oh-oh’, para siyang naiiyak, kasi sabi niya, ‘Ang bilis niyang lumaki’.

 

 

“Tapos tiningnan niya ako, sabi niya, ‘Number 2?’, sabi ko, ‘Wait lang! Hello! Wala pang one year!’ At tumawa si Jessy.

 

 

“Pero talagang ano, I’m just really amazed as a mother, as a new mother, grabe, yung parang totoo pala yun, hindi mo alam kung paano mo sisimulan, gagawin mo na lang siya, ganun!”

 

 

Balik na si Jessy sa mga showbiz events…

 

 

“Grabe, first ever event ko ‘to after kong manganak, as in! Kaya parang wow, ganito pala ang events ngayon, back to normal,” ang bulalas pa ni Jessy sa grand opening ng Manila Diamond Studio.

 

 

Matatagpuan ito sa 5th floor ng EDSA Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City kung saan sila ni Alexa Ilacad ang mga celebrity endorsers ng naturang jewelry store.

 

 

***

 

 

KONTRABIDA to the max si Moira Tanyag na buong husay na ginagampanan ni Pinky Amador sa Abot Kamay Na Pangarap.

 

Minsan, may mga viewers na “nadadala” sa acting ng isang artista, na naniniwala na sa tunay na buhay ay salbahe nga ang artistang kontrabida napapanood sa telebisyon o pelikula.

 

Kaya tinanong namin si Pinky kung may umaway na sa kanya sa mall o anumang pampublikong lugar?

 

“Wala pa naman! Pero online marami!

 

“Ay, grabe yung mga talagang…di ba sa Tiktok sumasayaw kami, ‘Hindi ka naman marunong sumayaw, dalawang kaliwa ang paa mo!’

 

“Parang pagtingin ko hindi naman, pero… so I deal with them different ways, yung iba pag talagang bastos na or like there are slurs or talagang cussing, or talagang yung hindi lang nadala sa istorya, minsan ini-screenshot ko tapos pino-post ko,” at tumawa si Pinky, “para naman may accountability tayo ng konti, di ba?

 

“Pero yung mga nadadala lang sa show okay lang yun, kasi if you really know the power of storytelling, you know na may madadala at madadala, kaya nga kayo nandiyan, di ba?

 

“Para madala sila sa kuwento niyo. So yun, I think if anything, Abot Kamay is a testament to the power of storytelling and the brilliance of the creative team.”

 

Ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na seryeng napapanood sa GMA ay sa direksyon ni LA Madridejos at tinatampukan nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Allan Dizon at marami pang iba.

 

 

May mahalagang papel rin sa serye ang batikang aktres na si Dina Bonnevie na madalas kaeksena ni Pinky.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pontillas dagdag lakas sa Sta. Lucia Lady Realtors

    NADAGDAGAN ng armas ang Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mayo sa pag-anib ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Aiza Maizo-Pontillas.     Isiniwalat nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong sandala na aayuda kina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda […]

  • NBI, kumbinsidong walang nangyaring hacking sa datos ng Comelec para sa 2022 polls

    NAGSASAGAWA ng site inspection ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Rosa, Laguna.     Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may nangyari umanong hacking sa data ng Comelec para sa papalapit na May 2022 elections.     […]

  • Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30

    “It was a pure campaign joke.”   Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.   Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito […]