Naging bahagi ng buhay niya ang historical landmark: REGINE, isa sa nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
ISA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naisip namin habang nasusunog ang Manila Central Post Office noong Lunes.
Bukod sa siyempre, isa na itong historical landmark ng bansa.
Ang movie ni Regine with Richard Gomez ay napakaraming scene na kinunan sa MCPO, though, marami rin Pinoy movies na naging location ito. Pero isa talaga sa tumatak ang movie nila na “Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon.”
At nalungkot nga si Regine sa nangyari at nag-post sa kanyang Instagram ng isang scene niya habang nakaupo sa bench at nasa background ang Manila Central Post Office.
At sabi niya, “Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office? Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office. Napasok ko at nakilala rin ang mga kaibigan do’n.
“The Manila Central Post Office was a historical landmark and it’s so sad that this happened.”
***
MAY bago na namang aabangan na promising singer, mula sa bayan ng Cavite and yes, true to her surname, siguradong madali ng makokonek kung ano ang pinagmulan niyang lahi, si Lizzie Aguinaldo.
Teenager pa lang ito, pero makikita na may promise talaga with her looks and voice. Ang maganda, suportado si Lizzie ng mga kababayan niya para sa kanyang very first single under Star Music, ang “Baka, Pwede Na,” mula sa award-winning composer na si Direk Joven Tan.
Ang first single niya ay ilalabas na ngayong end of May kaya malapit na malapit na.
***
HINDI lang may consent kung hindi, mismong si Congresswoman Lani Mercado pala ang nag-recommend kay Beauty Gonzalez na kuhanin ni Senator Bong Revilla para sa sitcom nito sa GMA-7, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.”
Movie nila ito na ini-remake ngayon for TV at magpa-pilot na sa June 4. Kaya raw si Beauty ang napili ni Cong. Lani dahil nakikita raw niyang babagay rito ang role at sakto ang pagiging Bisaya pa.
Masaya naman si Senator Bong sa bagong sitcom dahil sa five taping days na raw na nagagawa nila, ang saya raw nila sa set at nakikita rin daw niya kay Beauty na sobrang nag-e-enjoy ito.
(ROSE GARCIA)
-
‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo
Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses. Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mixing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal. […]
-
Pagtatayo ng PCOO Academy, sisimulan ngayong Setyembre-Andanar
SA WAKAS, magsisimula na ang pagtatayo ng Government Strategic Communications Academy (GSCA) ngayong buwan ng Setyembre. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ang proyektong ito ay magkakaroon ng “breaking ground” ngayong buwan sa loob ng compound ng Northern Bukidnon State College (NBSC) sa Manolo Fortich, Bukidnon. […]
-
NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na
Isinailalim sa COVID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon. “All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern […]