Naging emosyonal sa naitulong ng musika sa buhay niya: GLAIZA, nananalig kay Lord kung kailan sila magkaka-anak ni DAVID
- Published on March 19, 2025
- by @peoplesbalita

MTRCB at NCCT, muling lumagda ng kasunduan para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at Makabatang Programa sa Telebisyon
MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) ang kanilang pagtutulungan nitong Miyerkules, Marso 12, matapos nilang lagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement (MOA) na magsusulong sa responsableng panonood at makabatang programa sa telebisyon.
Layunin ng MOA na makapagbalangkas ng kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng MTRCB at NCCT upang mai-angkla sa mga programa ng dalawang ahensya gaya ng Responsableng Panonood (RP) ng MTRCB at Media and Information Literacy Education services (MILES) ng NCCT para maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na palabas.
Sa kanyang mensahe, nagpasasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa NCCT sa patuloy nitong “pagsuporta sa mga programa ng ahensya.”
“Ang MTRCB at NCCT ay matagal nang nagtutulungan para sa parehong layunin–ang maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na content,” sabi ni Sotto-Antonio. “Ang kasunduang ito ay sumasalamin sa ating dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood at ligtas na panoorin.”
Sinabi naman ni NCCT Executive Director III Desideria Atienza na ang MOA ay hindi lamang pormalidad kundi isang pangako tungo sa pagbuo ng ligtas na media para sa Pilipino.
“Kasama ang MTRCB, tayo ay kikilos upang maiangat ang kalidad ng mga pambatang palabas at matiyak na ang mga napapanood ng bawat bata ay nakakatulong sa paglinang ng kanilang kakayahan,” sabi ni Atienza. “Kami sa NCCT ay naniniwala na sa pamamagitan ng tama at angkop na palabas, mahuhubog natin nang tama ang kaisipan ng bawat bata na may malaking benepisyo hindi lang sa susunod na henerasyon kundi sa ating lipunan.”
Ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay nagpapakita sa matibay na misyon ng gobyerno na mapalakas ang kampanya sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.
(ROHN ROMULO)
-
DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa. Ito ang sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na […]
-
Ads December 17, 2024
-
Valenzuela City, nakatanggap ng road lot donations
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng road lot donations mula sa Don Tino Realty & Development Corp. at We Enterprises & Contractors, Inc. kung saan mismong si Mayor WES Gatchalian ang tumanggap ng Transfer Certificate of Title ng nasabing mga lote sa ginanap na turnover ceremony. Ayon kay Mayor Wes, ang nasabing […]