Naging open noon sa maraming insecurities: KELVIN, nako-control at stable na ang mental health
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
PINAKA-BUSY na Kapuso actor ngayon si Kelvin Miranda dahil tatlong pelikula ang natapos niyang gawin at isa roon ay ang romance film with Miles Ocampo and Chie Filomeno titled ‘Missed Connections’ na available na for streaming on Netflix.
Marami raw natutunan ang aktor sa kanyang role at sana ay may mapulot din ang mga manonood ng kanilang pelikula.
Naging maganda rin ang experience ni Kelvin sa pakikipagtrabaho kay Miles Ocampo at humanga siya sa natural na pag-arte nito.
“Very natural ‘yung delivery ng mga lines ni Miles. Masaya akong naka-work siya kasi sobrang natural niya umarte and kuwela. Magaan siyang katrabaho kasi hindi siya madamot e. Kung mayroon siyang maibibigay, ibibigay niya ‘yun sa ‘yo,” pahayag pa ni Kelvin.
Naging open noon si Kelvin sa pagkakaroon niya maraming insecurities noong pasukin niya ang showbiz. Nauwi raw ang mga insecurities na iyon sa pagkakaroon ng depression at anxiety.
“Feeling ko napaaga ‘yung pag-experience ko ng midlife crisis. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa mga nangyayari sa sarili ko.
“Feeling ko nahuhuli na ako sa lahat ng bagay na kailangan ko magawa at mga pangarap ko. Kahit na kasalanan na ma-insecure, darating pa rin na makikita at kahaharapin natin siya.
Ngayon daw ay nako-control na raw ng aktor ang kanyang mga nararamdaman. Stable daw ngayon ang kanyang mental health dahil binubuhos niya ang lahat ng kanyang energy sa trabaho. Napapalitan daw iyon ng happiness dahil sunud-sunod na blessings sa career niya.
“Wala na tayong time para isipin kung ano pa ang mali at ayaw mo sa sarili. Dahil sa marami tayong trabaho ngayon, masaya ako, masaya ang pag-iisip at puso ko. I feel blessed kasi nandiyan ang mga taong parating nasa tabi ko at inaalagaan tayo.”
Ang dalawang pelikula pang natapos ni Kelvin ay ang ‘After All’ with Beauty Gonzalez at ‘Poon’ with Angel Guardian. Kabilang din si Kelvin sa cast ng action-comedy series na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, na pagbibidahan nina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
(RUEL J. MENDOZA)
-
NAVOTAS PINASINAYAAN ANG 5 KARAGDAGANG PUMPING STATIONS
PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ng limang karagdagang pumping stations, bagong multi-purpose building, at isang pinahusay na kalsada bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. Ang Navotas mayroon na ngayon 81 na estratehikong lokasyon na pumping stations sa buong lungsod. […]
-
Big night ni Derrick White, nagdala sa Celtics sa 3-1 edge vs Heat
NAGBUSLO si Derrick White ng 38 puntos sa 15-for-26 shooting, kabilang ang 8-for-15 victory mula sa 3-point range, at ang Boston Celtics ay namayagpag sa 102-88 panalo laban sa host Miami Heat. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 11 rebounds para sa Celtics, na nasungkit ang 3-1 lead sa best-of-seven Eastern Conference quarterfinal […]
-
Nora, nakatakdang gawin ang short film na ‘Henerala Salud’
NAKATAKDA palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans. Ayon kay Nanding Josef, Artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film on the 67-year-old Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the […]