Nagkaisa Labor Coalition, humiling sa DOLE na imbestigahan ang naganap na aksidente sa construction site sa QC
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ng labor coalition na NAGKAISA sa Department of Labor and Employment ang naganap na insidente habang nasa lugar ng trabaho o worksite kabilang na ang pagkasawi ng isang manggagawa at ikinasugat ng 10 iba pa sa construction site sa Quezon City.
Ang panawagan ay ginawa ni Nagkaisa Chair Sonny Matula kasunod na rin sa selebrasyon ng World Day for Decent Work ngayong October 7.
Sinabi ni Matula na makukunsiderang disente ang isang trabaho kung ang sapat at tama ang pasahod, may garantiya ng security of tenure at ligtas na kundisyon sa trabaho at may freedom of expression at mag-organisa ang manggagawa.
Una nang naiulat ng pulisya ang pagkasawi ng isa at pagkasugat ng 10 iba pang construction workers nang bumigay ang scaffolding na kanilang ginagamit sa trabaho sa Quezon City.
Nitong Agosto 28, naiulat din na isang trabahador din na nasa isang poste ng Cebu-Cordova bridge, ang nasawi matapos mahulog nang bumigay umano ang tinutuntungan nitong table.
Noong Agosto 22, isang construction worker ang nasugatan matapos na maipit makaraang bumagsak ang backhoe na kanyang ginagamit sa isang quarry site sa Cebu City.
Habang noong Hulyo 11, anim na construction workers ang namatay matapos gumuho ang pader sa isang construction site sa Tagaytay City at noong Hulyo 8, dalawang elevator installers ang nasawi matapos bumagsak ang elevator mula 38th floor hanggang ground floor sa Burgundy Tower sa Makati City.
Sinabi ni Matula na sa ilalim ng RA 11058, dapat siguruhing ligtas ang mga manggagawa sa lugar ng trabaho.
Dapat aniyang magbigay ang employers ng kumpletong job safety instructions o orientation sa lahat ng trabahador at sumunod sa Occupational Safety and Health Standards.
Upang makasiguro, hinikayat ng grupo ang mga employers at gobyerno na ipatupad ang pagbuhay sa health committees sa lahat ng lugar ng trabaho at payagan ang mga construction workers na magbuo ng unyon.
Ikinalungkot ng grupo na maramisa mga construction workers ay hindi protektado dahil walang unyon. (Ara Romero)
-
US, nakahandang suportahan ang PH tungo sa transition para sa renewable energy
NAKAHANDANG tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy. Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. Ito rin […]
-
MCCOY, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para kina ELISSE at FELIZE
NAKAKA-TOUCH ang mensahe na pinost ni McCoy de Leon sa Instagram para sa kanyang mag-ina na sina Elisse Joson at Felize. Panimula ni McCoy, “Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag–asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa ‘yo, […]
-
ALITUNTUNIN SA PAGBILI NG BOTO ILALABAS NG COMELEC
ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) ng alituntunin na magpapalakas sa paglaban nito sa anumang anyo ng pagbili ng boto. “In the next few days, the Comelec will be announcing certain revolutionary guidelines when it comes to campaign against vote buying.” Aniya, gagawa ng ilang pagpapalagay ang Comelec na hindi pa […]