Nagkasakit na sa kasipagang mag-promote: VILMA, ‘di kalaban ang turing sa makatutunggali sa pagka-Best Actress
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
NAGKASAKIT na ang Star for all Season na si Vilma Santos sa kasipagan na rin siguro nito sa pagpo-promote ng kanilang MMFF movie na ‘When I Met You in Tokyo’ with Christopher de Leon, na under JG Productions, Inc.
At talaga namang hahangaan si Ate Vi sa kasipagan niya.
At kahit na may sakit na at halatang-halata sa boses niya, sumama pa rin siyang talaga sa ginanap na mediacon for their movie. Kung ang lahat sa cast, including the director ay nasa Holiday Inn kunsaan ginanap ang mediacon, si Ate Vi ay nasa bahay niya at nag-zoom para lang ma-accommodate pa rin ang mga tanong sa kanya ng media.
Sa ginawang ito ni Ate Vi, pwedeng maisip ng iba na hindi na excuse kung may sakit, unless siguro, talagang matter of life and death na hindi makapag-participate sa mga ganap tulad ng mediacon.
Masasabing napaka-professional talaga. ‘Yun nga lang, hindi siya nakasama sa ‘Parade of Stars’ last Saturday sa CAMANAVA area.
“Unfortunately, I’m on sick mode. Pero, hindi pwedeng wala ako riyan dahil isang pamilya ho kami,” sabi niya rin.
At para kay Ate Vi, kahit na may awards at box-office na paglalabanan ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF, hindi raw niya ito tinitingnan na kumpetisyon o labanan, lalo na sa mga posibleng makatunggali niya sa pagka-Best Actress.
Sey niya, “Alam niyo, malaking bagay ‘yan, sinasabi nila, ano ang masasabi niyo sa mga kalaban ninyong pelikula? Actually, hindi ko naman sila kalaban. If you will talk about Marian (Rivera) and Dingdong (Dantes), ninong ako sa kasal nila and then, ‘Becky and Badette,’ kaibigan ko rin si Pokey and Uge.
“And then, ‘yung kay Shawie (Sharon Cuneta), Shawie is a very close friend. She’s like a sister to me. Kaya ‘yung sasabihin mo na mga kalaban-kalaban, actually, hindi.
“Meron lang kasing Metro Manila Film Festival na may mga award, kaya sasabihin mo na magkakalaban. Pero, malaking bagay sa akin, lalo na sa dalawa kong kaibigan, kay Uge at kay Pokey, sana nga, imbitahan nila ‘ko sa premiere night.”
***
NILINAW ni Attorney Maggie Abraham Garduque, legal counsel ng TAPE, Inc. ang lahat ng mga naglalabasan tungkol sa trademark ng ‘Eat Bulaga.’
Pumanig sa TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang lumabas na unang desisyon ng IPOPhil. Kaya may mga komento ang mga netizens na dapat daw, ibahin na ng TAPE, Inc. ang title ng kanilang noontime show.
Maraming ipinaliwanag si Attorney Maggie at kung bakit sila pa rin ang gumagamit ng titulong ito. Malinaw rin na aapela ang TAPE, Inc. sa IPOPhil sa loob ng 30 days.
Ang tinanong namin sa kanya, kung sa nangyari, pwede na talagang gamitin ng TVJ ang Eat Bulaga na title?
“Para sa amin po hindi,” sagot naman ni Attorney Maggie. “Kasi, up to this day, if you will check, ang registration po is sa TAPE, Incorporated. As with regards to the registration of Joey de Leon, pending pa rin po.
“So the thing is, there’s still no registration under Joey de Leon of the trademark Eat Bulaga.
“Sa appeal po namin, chineck po namin ‘yan. There’s only two ways para ma-acquire mo ang trademark na ibig sabihin, ikaw po ang may-ari.
“Number one is prior used and number two is registration. Ang prior used ay ginamit po ang trademark na ‘yon in a commercial sense. Kasi, ano po ba ang trademark? Kasi, ang dami na pong lumalabas na technicalities. Ano po ba ang kaibahan ng trademark at copyright. Nagkaroon na ng confusion,” sey niya.
Sa huli, tinanong namin si Attorney Maggie kung gaano sila ka-confident na maipapanalo nga nila ang kaso sa usapin ng trademark.
May mga nagsasabi rin kasi na kahit umapela pa raw sila, ang ending, tulad ng initial result na ang TVJ ang pinaboran ng IPO, baka gano’n na rin hanggang huli.
Sey naman niya, “As a subjudice, ayaw ko pong magsabi ng ganyan. As abogado, ayaw ko pong mag-set ng pressure. Kasi, kapag sinabi mong confident ka, mananalo ka, talagang pine-pressure. Ayaw ko pong magsabi ng gano’n.
“Pero para sa amin, given the basis of our appeal at nabasa ko naman po ang ginawang appeal at nakita rin po namin ang basis ng petition ay sinabi mimo na wala, hindi siya nag-eexist. Kaya para sa amin, dapat bigyan ng due course ang appeal namin.”
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]
-
Gobyerno, hindi kulang sa preparasyon laban sa Delta coronavirus variant
IGINIIT ng Malakanyang na hindi kulang sa preparasyon ang gobyerno para sa Delta coronavirus variant sa kabila ng kinapos sa pondo para sa Philippine Genome Center (PGC), nakade-detect ng variants. “I disagree that there was lack of foresight because we have vigorous testing. We know who is infected, regardless of the variant. Pareho ang […]
-
Kawalang trabaho tumalon sa 4.5% nitong Hunyo, ayon sa PSA
UMAKYAT ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023. Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules. […]