• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright

Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na  Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night.

 

 

Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG nitong LInggo, Enero 17 para sa pinakamataas na karangalang ginawad ng liga na ginambala ng Covid-19.

 

 

Ayon nitong Miyerkoles kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III,  butas ng karayom ang dinanan ng manlalaro ng alak upang manaig sa player ng Fuel Masters upang maging BPC ng 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble.

 

 

Kumolekta ng 1,640 points si Pringle kumpara sa pambato ng gasolina na naka-1,578,” para sa palugit lang ng dalawa na 62 markers.

 

 

Hinigitan nito ang panalo sa 2011 PBA Commissioner’s Cup BPC ni Jimmy Apalag ng TNT laban naman Mark Anthony Caguioa ng ng BGSM na naiwan noon ng 70 puntos. (REC)

Other News
  • Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis —FDA

    INANUNSYO ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito.       Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan […]

  • 40 sasakyang pang-dagat, dineploy

      MAY kabuuang 40 na sasakyang-dagat ng China kabilang ang tatlong warships ang idineploy noong Lunes sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea upang harangin ang humanitarian mission doon ng Philippine Coast Guard (PCG).         Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, anim na barko ng […]

  • Pinoy boxer Magsayo pinabagsak si Ceja

    Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na si Julio Ceja.     Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.     Pagdating sa ika-sampung round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang […]