• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagmistulang fan si Andrea at natupad ang wish: BEA, puring-puri ni DENNIS at iba pang co-stars sa serye

IBANG klase rin ang pagtingin ng mga Kapuso sa New Generation Movie Queen na si Bea Alonzo.

 

Talagang todo max ang pagpuri kay Bea ng kanyang mga co-stars sa bagong GMA Primetime series na “Love Before Sunrise.”

 

Si Andrea Torres ay nagmistulang fan na fan ni Bea na aminadong nang malaman na Kapuso na ang actress, talagang winish na makasama niya.

 

At si Dennis Trillo na leading man ni Bea at masasabing kasabayan niya noon ay nai-starstruck pa raw rito.

 

At sabi pa niya, “Parang sobrang magical para sa akin. Biruin mo, halos nagsimula kami ni Bea noon sa ABS-CBN.

 

Sabay kaming nagwo-workshop. Sabay kaming nagkaroon ng unang dance production sa TV.

 

“Sabay kaming ni-launch, sabay kaming nagre-rehearsal. Tapos ‘eto, after 20 years, gagawa naman kami ng isang napakagandang proyekto.”

 

Ang kay Dennis, talagang humahanga raw siya kay Bea dahil sa layo na nang narating nito pagdating sa career.

 

Sey pa niya, “Feeling ko, sobrang blessed ko and proud. Hindi naman kahit sino, nakakatrabaho ang isang Bea Alonzo.
“Masuwerte ko na nakakasama ko ngayon ang mahuhusay na artista rito at siyempre, si Bea.”

 

Sa Lunes, September 25 na ang pilot ng “Love Before Sunrise” na papalit sa magtatapos na “Royal Blood.” Napanood na namin ang pilot episode at feel namin na magugustuhan at mae-enjoy ito ng mga Kapuso viewers.

 

Malakas din ang dating ng Korean touch ng serye.

 

***

 

ANG haba ng caption ni Chito Miranda bilang depensa sa mga natanggap na negative at pangngunguwestiyon talaga ng mga netizens sa ginawang weekly meal plan ni Neri Naig.

 

Kung pagbabasehan talaga ang mga comments sa post ni Neri, halos lahat ay walang sumang-ayon dito at sinabihan nga na para lang daw ba mapanindigan ang title niya na “Wais na Misis.”

 

Dinilete na raw ni Neri ang post nito.

 

Nilahad ni Chito ang hindi nasabi ni Neri sa post niya. Tulad ng most of the sahog na gulay ay galing pala sa farm nila. At kung pang-ilang tao rin. Marami kasi na hindi talaga malinaw na nilahad ni Neri, though personally, parang imposible pa rin talaga na ma-achieve sa halagang isang libo lang sa ngayon.

 

Bahagi ng post ni Chito, “Grabe di ba? Naisip lang naman ng asawa ko na baka sakaling makatulong yung meal plan nya sa mga tao that might find it useful, na-bash pa siya ng mga taong hindi naman nakasubaybay kung bakit ginawa niya yung meal plan.

 

“What a cruel, cruel world.

 

“Anyway, for those who knew what Neri was doing, ayusin n’ya lang daw muna yung details para mas maging helpful yung guide niya.

 

“For those who got angry and threw stones without knowing the details of what she was doing, good job sa inyo.”
Sa isang banda, dapat maintindihan din siguro ni Chito kung bakit majority ay negatibo talaga ang naging reaksiyon sa post ni Neri.

 

May dahilan din naman.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Estados Unidos, “looking forward” sa ‘malakas at produktibong relasyon” sa bagong Pangulo ng Pilipinas — diplomat

    “LOOKING forward” ang Estados Unidos sa malakas at produktibong relasyon sa magiging bagong Pangulo ng Pilipinas maging sino man ang mananalo sa national elections sa Mayo.     Binigyang diin ni Embassy Charges d’Affaires Heather Variava na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay “deeply rooted in shared values and its strong […]

  • Express delivery nilooban ng armadong mga holdaper, babaeng kawani binaril, sugatan

    MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos na biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express matapos magtamo […]

  • LGUs inalerto sa India variant

    Inalerto ni Infectious Disease expert Dr. Rontgene Solante ang mga lokal na pamahalaan upang paigtingin pa ang pagbabantay at mas mataas na ‘contact tracing’ makaraang umakyat na sa 12 ang kaso ng Indian variant ng COVID-19 sa bansa.     “The only way to prevent further transmission in the community, especially to know where it […]