• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration

DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.

 

Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga kasama lang nila sa bahay ang mga nando’n.

 

Pero sa 7th birthday ni Zia, present na ang mga relatives nila at mga kaibigan. Mukhang sa bagong bahay ng Dantes family ang naging celebration with Care Bears as the theme of the party.

 

Very precious talaga si Zia na mas lalo pang paganda nang paganda.

 

***

 

HINDI nagpahuli but instead, nakipagsabayan din talaga si Sean de Guzman sa mga de-kalibreang co-stars niya sa 2022 MMFF official entry na “My Father, Myself” na sina Jake Cuenca at Dimples Romana.

 

Kasama rin dito ang baguhan na si Tiffany Grey.

 

At siyempre, natutuwa si Sean dahil mismong ang director nila na kilala sa pagiging prangka at metikuloso ay pinupuri siya sa ipinakitang performance.

 

Ayon kay Sean, “Kay Direk po ako nag-start. Una ko pong pelikula ay siya ang naging direktor ko, ‘yung ‘Lockdown, tapos po Macho Dancer, at hanggang ngayon po, dito sa My Father, Myself siya po ang direktor ko.

 

“Sobrang thankful po ako kay Direk kasi siya ‘yung nag-launch sa akin at nang dahil sa kanya, nagkaroon po ako ng dalawang international best actor awards para sa Fall Guy, na siya po ang director.”

Malaki raw talaga ang natutunan niya kay Direk Joel na talagang naga-guide siya.

 

“Si Direk kasi ‘pag tsina-challenge ka niya, ano eh, nandun ‘yung hirap, pero nandun din ‘yung parang satisfaction mo as an actor na parang kailangan ko itong gawin para ‘yung pressure na nararamdaman ko galing kay Direk, parang ‘yung expectation niya kailangan kong ma-meet.

 

“So kahit magkamali ako, tuloy lang, nandiyan si Direk, gina-guide kami. Sobrang hands-on niya sa mga actors niya. Sabi nga ni ate Dimps, pantay-pantay ang tingin niya sa amin kapag nasa set kami. Walang maliit, walang malaking artista. Lahat pantay-pantay. ‘Yun po ang magandang bagay kay Direk.”

 

Sabi rin ni Sean, marami rin daw siyang natutunan talaga kay Jake bilang co-actor. Ang eksena nila sa movie ay siguradong tatatak sa mga manonood.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • PDu30, tatakbong senador sa 2022 elections

    TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.   Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador Eleksyon 2022.   Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters […]

  • Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge

    NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer.   “There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa […]

  • Internet sa Pinas bibilis na

    SA SANDALING ilarga na ang paggamit ng satellite para sa internet service ay asahan na ang mabilis na internet sa bansa. Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Los Angeles, California. Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo at delegasyon nito na malibot ang SpaceX facility sa Hawthorne, California at […]